Quantcast
Channel: Espesyal na Isyu – Pinoy Weekly
Viewing all 28 articles
Browse latest View live

BANTAY BADYET | Pondo sa demolisyon, CCT: Maralitang lungsod, walang asenso

$
0
0

Popondohan daw ng administrasyong Aquino ang “socialized housing”. Pero kung susuriing mabuti ang panukalang badyet sa 2014, makikitang nakapokus ito sa pagsisiguro na mademolis ang kasalukuyang tinitirhan ng mga maralitang lungsod, kaysa sa pagsisiguro na mayroon silang disenteng trabaho at tirahan.

Ang pagpapalaki din sa pondo para sa CCT (Conditional Cash Transfer) ay indikasyon na hindi interesado ang gobyerno na solusyunan ang ugat ng kahirapan, kundi nais lamang pagtakpan ito.

Malayong relokasyon pa rin

Pinakamalaki ang badyet para sa resettlement ng National Housing Authority (NHA), na nasa PhP5.49-Bilyon. Para sa maralitang lungsod ng Kamaynilaan, ang ibig sabihin lang nito ay pagpapatapon sa kanila sa relocation sites na walang kabuhayan at serbisyong panlipunan.

Inihayag na ng gobyerno na uunahing paaalisin ang mga maralitang nakatira sa walong waterways o daluyan ng tubig sa Kamaynilaan, na umano’y “danger zones.” Siyempre, kung mga maralita ang tatanungin, mas masaklap ang paninirahan sa “death zones” na relokasyong inaalok ng gobyerno sa Bulacan, Rizal o Laguna.

Panawagan ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) na sa halip na sila’y palayasin, dapat pondohan ng gobyerno ang rehabilitasyon ng kanilang komunidad, at pagpapatayo ng abot-kayang pabahay na malapit sa kabuhayan. Pero di makikita ang ganitong tunguhin sa badyet ng gobyerno.

Halimbawa, ang PhP360-Milyon na badyet ng DILG ay nakalaan sa rental assistance, o PhP18,000 na dole-out sa bawat pamilyang nakatira sa waterways. Ito’y upang pansamantalang makapangupahan umano sa ibang lugar ang mga pamilyang palalayasin. Pero wala namang maipangakong tirahan ang gobyerno kundi sa malalayong relokasyon, o sa mga Medium-Rise Building (MRB) na hindi naman abot-kaya ng mga maralita dahil sa taas ng amortisasyon.

Sa badyet ng DILG, may PhP700-M na nakalaan para sa pagtatayo ng MRB—ngunit kapansin-pansin na kakaunti lamang ang inaasahang makikinabang dito, tinatayang nasa 472 informal settler families, ayon sa datos ng gobyerno.

Maralitang lungsod: Pinagkakaitan ng badyet para sa serbisyong panlipunan nila. (Macky Macaspac)

Maralitang lungsod: Pinagkakaitan ng badyet para sa serbisyong panlipunan nila. (Macky Macaspac)

Ayon pa sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matagal nang ipinapangako ng gobyerno ang pagtatayo ng mga MRB, ngunit ni isa’y walang naitayo ngayong taon. Wala rin umanong local government unit ang nag-donate ng kanilang lupa para sa tirahan ng maralitang lungsod, kaya’t off-city o malayong relokasyon pa rin ang tanging ibinibigay na opsiyon ng gobyerno.

Inaasahan din ng mga maralita na hindi nila mapapakinabangan ang PhP3.67-B na inilaan ng gobyerno para sa Community Mortgage Program (CMP), o pagpapautang para magkabahay. Ayon sa Kadamay, ang CMP ay hindi para sa pinakamahihirap. Sekondaryo lamang sa kanila ang seguridad sa pabahay; mas pangunahin ang pangangailangan sa pang-araw-araw na pagkain, trabaho, edukasyon at kalusugan.

Para sa debeloper, kurakot na opisyal?

“Malinaw na tanging pribadong mga debeloper at kurakot na mga pulitiko sa mga ahensiya ng gobyerno ang makikinabang sa pondong inilalaan mula sa buwis ng mga mamamayan para sa diumano’y pabahay,” ani Estrelita Bagasbas, tagapagsalita ng AKD.

Halimbawa, isa sa pinakamalaking debeloper sa relocation site sa Montalban, Rizal ang New San Jose Builders Inc. (NSJBI), na pag-aari ng negosyanteng si Jerry Acuzar, bayaw ni Executive Secretary Paquito Ochoa. Sangkot din sina Ochoa at Acuzar sa maanomalyang kontrata sa pagitan ng PhilForest at NSJBI para sa pagdebelop ng 2,000 ektaryang lupa sa Palawan, na ibinulgar ng whistleblower na si Jun Lozada.

Nangangamba rin ang maralitang lungsod na posibleng gamitin ni DILG Sec. Mar Roxas ang pondo ng ahensiya sa kampanya para sa 2016 presidential elections. Nadawit si Roxas sa pork barrel scam nang matuklasan ng Commission on Audit na kuwestiyonable ang PhP5-M na idinaan ni Roxas sa Kaloocan Assistance Council, Inc.

Sa halip na CCT…

Tinitignan ding balon ng korupsiyon ang CCT o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, na pinalaki pa ang badyet sa 2014. Nasa PhP76.8-B, o halos 70 porsiyento ng badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang nakalaan sa CCT, na tinatayang aabot sa 4.3 milyong pamilya.

Isang imposisyon ng dayuhang institusyon na World Bank, binabatikos ang CCT hindi lamang dahil sa malawakang iregularidad sa paggamit nito, kundi dahil isa itong dispalinghadong “solusyon” sa kahirapan.

“Kahit gaano pa man kalaki ang ilagay nilang badyet sa CCT ay mababalewala rin dahil patuloy na pinapalayas ang mga maralita sa kanilang mga komunidad at kabuhayan,” ayon kay Nere Guerrero, tagapangulo ng Samahan ng Maralitang Kababaihang Nagkakaisa o Samakana.

Naniniwala ang grupo na “malaking aksaya sa pera ang CCT” kung patuloy ding ipinapatupad ng administrasyong Aquino ang kontra-mahihirap na mga polisiya gaya ng demolisyon.

Umano’y mas maigi pang ilagay ang badyet sa CCT sa mga kongkretong serbisyo gaya ng mas maraming charity wards sa mga pampublikong ospital at mas maraming paaralan at libreng mga aklat para sa bata.

Para naman sa Kadamay, maiging dalhin ang buwis ng taumbayan sa mga programang lilikha ng trabaho para sa mga maralita. Pangunahin dito ang pagtatayo ng pambansang mga industriya, at pagpapaunlad ng agrikulturang nakatuntong sa reporma sa lupa.

Badyet para sa ‘Socialized Housing’

Gov’t agency Program Amount No. of Beneficiaries
National Housing Authority Resettlement

P 5.49 B

20,000 ISF

(Informal Settler Families)

Socialized Housing and Financing Corp. Community Mortgage Program

P 3.67 B

5,895 ISF

Dept. of Interior and Local Government- Office of the Secretary 1. Rental Assistance2. Micro-Medium Rise Building

      P 360 M

      P 700 M

20,000 ISF

472 ISF

Presidential Commission on the Urban Poor Capacity-Building for the ISF (consultation mechanisms)

P 8 M

24,000 ISF

TOTAL                                                                                                   P 10.23 B

Source: Department of Budget and Management presentation to Senate Committee on Finance

 


PW SPECIAL ISSUE | Pork Barrel at ang 2014 Budget (September 2013)

$
0
0

PINOY WEEKLY SPECIAL ISSUE (September 2013)

Pork Barrel at 2014 pambansang badyet

Tampok sa isyu:

PNoy: Pork Barrel King?
Pondo para sa maralita, pondo para sa demolisyon
May pork barrel, may pork baril
Habang sumisiba ang baboy: Edukasyon, kalusugan pinababayaan
Koalisyon vs pork barrel, lumalawak
WTO: dominasyon sa mahihihirap ng mundo
Infographic: Buhay-baboy sa pork barrel system
Pagkondena ng mundo sa panghihimasok ng US sa Syria
Kartel at mataas na presyo ng bigas
Boni@150

Cover art: “Eleksyon de leche” ni Iggy  Rodriguez
Inset art: TaBaKK

BANTAY BADYET | Habang sumisiba ang baboy: edukasyon, kalusugan pinababayaan

$
0
0

BANTAY BADYET iconGinagarantiya dapat ng Saligang Batas na prayoridad ng gobyerno ang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at serbisyong medikal. Pero ang polisiya ngayon ng administrasyong Aquino, patuloy na pagkaltas sa pondo ng naturang dalawang serbisyo – at itulak sila patungo sa pribadong sektor.

Kung titignan ang mga numero ng 2014 pambansang badyet, tumaas ang pondo ng dalawang nabanggit na serbisyo. Pero kung susuriin ang tunay na pinaglalaanan ng mga pondong ito, tila hindi ang edukasyon at kalusugan ang prayoridad ng administrasyong Aquino.

Ayon sa Kabataan Party-list, walang signipikanteng naidadagdag ang administrasyong Aquino para sa edukasyon. Sa 110 state colleges and universities (SUCs) sa bansa, nasa 79 SUCs ang nakaambang kaltasan ng badyet sa taong 2014 sa kabila ng sinasabing pagtaas sa badyet.

Nasa PhP34.7-Bilyon mula sa dating PhP32.8-B ang matatanggap ng SUCs sa bansa, base sa Department of Budget and Management (DBM). Malayo ito sa PhP54-B na pangangailangan ng SUCs na orihinal na isinumite.

Piket sa Batasan Pambansa ng mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng HEAD. (Pher Pasion)

Piket sa Batasan Pambansa ng mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng HEAD. (Pher Pasion)

Planadong pagkaltas

Ayon sa Kabataan, sistematiko ang pagkaltas sa badyet sa edukasyon dahil sa Roadmap for Higher Education Reform (Rpher) na programa ng administrasyong Aquino para sa edukasyon.

Sa ilalim ng Rpher, target na “i-rationalize” ang pagpopondo ng gobyerno sa SUCs para itulak ang mga ito na maging self-sufficient sa pamamagitan ng pagsasagawa ng income generating projects at mabawasan na umasa ng pondo mula sa gobyerno.

“Sa ilalim ng RPHER, tinutulak na maging self-sustaining (ang SUCs). Bahala silang mag-raise ng sarili nilang pondo. Mula sa pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Kaya lip service lamang yung pagtataas ng pondo. Mahalaga ‘yung maintenance and operating expenses ng paaralan, mababa pa rin,” ayon kay Kabataan Rep. Terry Ridon.

Maliban pa dito, mayroon din umanong PhP5-B pork barrel ang Commission on Higher Education (CHED). Sa ilalim ng 2014 badyet para sa SUCs, ang PhP5-B ay binabanggit bilang “allocation for capital outlay and scholarships programs.”

May kuwestiyonableng alokasyon din sa CHED gaya ng “social protection package for former combatants” sa ilalim ng Pamana (isang anti-insurehensyang programa ng gobyerno) na nagkakahalaga ng PhP4-Milyon, dagdag ng Kabataan.

Samantala, “tumaas” ang pondo ng Department of Education na makakatanggap ng PhP337-B pondo para sa 2014. Pero para sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), malayo pa rin ito sa pangangailangan ng batayang edukasyon.

Ayon sa ACT, aabot lamang sa tinatayang PhP44.6-B para matugunan ang kakulangan sa mga klasrum, upuan, textbooks (6 libro/estudyante), tubig at sanitasyon para sa paaralan.

Nasa PhP55.2-B naman aabutin para matugunan ang dagdag na sahod, karagdagang teaching items, annual medical exam (P500/guro), implementation of grant of cash allowance, hardship pay, ERF conversion to MT, reclassification of position and payment of step increment, at Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentives ng mga guro.

Matutugunan sana ito kung direktang ilalaan sa edukasyon ang pork barrel, ayon sa ACT.

PPP sa edukasyon

Isa sa kinukuwestiyon ng ACT ang paglaki ng pondo ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (Gastpe), programa ng gobyerno para umano i-decongest ang mga publikong paaralan sa pagpopondo sa mga mag-aaral na lilipat patungong pribado.

“Parang sub-contracting (ito). Privatization ito sa esensiya,” ani France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Maikukumpara ang Gastpe sa Conditional Cash Transfer (CCT) at Philhealth. Kung sa ang CCT ay pagbigay ng kakarampot na panggastos sa iilang mahihirap sa halip na bigyan ng sapat na trabaho sila, at Philhealth ang binabayarang insurance para “makamura” sa serbisyong medikal sa halip na magbigay na sapat na pondo sa pampublikong mga ospital, ang Gastpe ay pagpasa ng iilang maralitang estudyante sa pribadong mga eskuwelahan sa halip na maglaan ng sapat na pondo sa mga pampublikong eskuwelahan.

Sa kaso pa ng Philhealth at Gastpe, napupunta ang pondo ng gobyerno sa pribadong mga ospital at eskuwelahan.

Sa budget hearing sa Kamara ng DepEd, isiniwalat ni Education Undersec. Francis Varela na aabot sa PhP7.5-B ang hinihingi ng DepEd para sa Gatspe. Napasabi tuloy si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na tila “pribadong mga paaralan pa ang may pinakamalaking pinaglalaanan ng pondo” ng DepEd.

Sinabi ni Castro, na isang pampublikong guro sa elementarya, na di nakakatulong ang Gastpe sa pag-decongest umano ng public schools. “Ang nangyayari, masyado ring anomalous ito. Di ba kukuha dapat sila ng estudyante mula sa public schools, ang nangyayari, yung nasa private school na mismo ang binibigyan ng tulong.”

Bahagi ng programang Public-Private Partnership o PPP ang Gatspe.

Badyet sa kalusugan

Pagmamalaki ng DBM, “lumaki” ang badyet para kalusugan na aabot sa PhP87.1-B. Pero lumalabas na wala itong pinagkaiba sa 2013 badyet. Sa P35-B dagdag-badyet sa serbisyo-kalusugan noon, PhP12.6-B ang inilaan sa Philhealth.

“Imbes na sa mga ospital ibigay ang pondo, malaking bahagi nito ang sa Philhealth…(H)indi naman lahat ng mga mamamayan ang mayroong (Philhealth),” ani Gene Nisperos, doktor at vice-chairperson ng Health Alliance for Democracy (HEAD).

Sinabi pa ni Nisperos na di rin naman lahat ng serbisyong pangkalusugan ay sakop ng Philhealth.

“Imbes na serbisyo ang dapat na prayoridad at ilaan ang malaking pondo sa pampublikong mga ospital natin, sa Philhealth pa ito ibinibigay.  Ibig sabihin, binabayaran ang serbisyong pangkalusugan,” dagdag niya.

Habang umaapaw ang pondo para sa pork barrel, taun-taong tila pulubing namamalimos ang mga batayang serbisyo para sa paghingi ng pondo.

May ulat ni KR Guda

BANTAY BADYET | Sino ang ‘Pork Barrel King’?

$
0
0

BANTAY BADYET icon“Kapanalig natin sa paglaban sa korupsiyon.”

Ganito inilarawan ni Pangulong Aquino ang mga mamamayang nagrali kontra sa pork barrel noong Agosto 26. Pero sa kabila ng mga pahayag niya at ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na tatanggalin na nito ang Priority Development Assistance Program o PDAF sa 2014 badyet, nanatili pa rin ang lump sum appropriations para sa mga mambabatas.

Ang malala, malaking bahagi – mahigit kalahati pa nga ng badyet, kung tatanungin ang Kabataan Party-list – ng pambansang badyet ay nakalaan sa lump sum appropriations ng Office of the President.

Hari ng baboy?

Sa pagdinig sa Kamara kaugnay ng panukalang badyet ng Office of the President noong Setyembre 9, iginiit ni Executive Secretary Paquito Ochoa na walang “pork barrel” ang Pangulo. “Hindi namin nakikita ito (Special Purpose Fund o SPF) bilang pork barrel. Ang SPF ay dumadaan sa parehong proseso tulad ng regular na badyet. At napapailalim din ito sa pangingilatis ng Kongreso, na siyang aapruba rito,” sabi ni Ochoa.

Pero kung pagbabatayan ang mismong katangian ng SPF at iba pang pondo na nasa ilalim ni Aquino, malinaw na lump sum appropriation, o pondong walang tinukoy na paglalaanan at nasa direktang kontrol ng Presidente, ang mga ito.

Sa pag-aaral ng Kabataan na pinamagatang Prime Cuts: Dissecting the Presidential Pork Barrel, inilinaw nito kung ano ang maituturing na pork barrel: (1) Alokasyong lump-sum na bulnerable sa korupsiyon at pagmamaniobra sa pulitika; (2) Pondo na tanging Pangulo lang ang may kapangyarihang maglaan at maglabas; (3) Pampublikong pondo na di makikita sa pambansang badyet pero kinokolekta at ginagamit ng mga ahensiya ng gobyerno, lalo na ng Ehekutibo (sa pamumuno ni Aquino), na walang financial oversight (karapatang suriin at i-audit ng Kongreso o ninuman).

Batay sa depinisyong ito, pasok na pasok ang SPF ni Aquino na nagkakahalaga ng halos PhP 450-Bilyon. Nasa ilalim nito ang badyet-suporta sa mga korporasyon ng gobyerno na nalulugi, alokasyon para sa local government units, calamity funds, DepED School-Building Fund, Priority Development AssistanceFund (PDAF!), E-Government Fund, Feasibility Studies Fund, Pension and Gratuity Fund, International Commitments Fund, Miscellaneous Personal Benefits Fund at Contingency Fund. Ang mga ito ay bahagi ng pambansang badyet na nagkakahalaga ng PhP310-B.

Magkakilala? P-Noy at Janet Napoles, sa isang sosyalan noong Nob. 2012.

Magkakilala? P-Noy at Janet Napoles, sa isang sosyalan noong Nob. 2012.

Pero bukod dito, mayroon ding unprogrammed funds ang Office of the President. Ito ang mga pondo na wala sa pambansang badyet, pero mula sa pondong mula sa kita ng gobyerno, halimbawa sa Pagcor at Malampaya Project. Aabot sa PhP140-B ang unprogrammed funds. Suma total, PhP450-B ang SPF ng Pangulo.

Mismong si Aquino, dinepensahan ang pananatili ng pork barrel sa kanyang badyet. “Sa katangian nito, may mga pondong hindi puwedeng ma-itemize,” sabi ni Aquino.

Sa kanyang kolum sa diyaryong Philippine Star, mistulang sumang-ayon si dating senador Ernesto Maceda sa suri ng Kabataan kaugnay ng PSF. “Ano ngayon ang pagkakaiba (sa PDAF)? Ang PSF ay lump-sum na pinagmumulan ng ipinapautos ng Pangulo na ilabas ang espikipikong halaga para sa soft (i.e. mga pagsasanay) at hard projects (imprastraktura) sa mga ahensiyang inaprubahan ng Pangulo. Walang pinag-iba ito sa PDAF,” sinulat ni Maceda, sa wikang Ingles.

Bayad-utang, pondo sa paniniktik

Bukod dito, bahagi ng pambansang badyet ang pondong direktang inilalaan bilang pambayad-utang lamang.

Sa ilalim ng Automatic Appropriations Act na isinabatas ng ina ng kasalukuyang pangulo, si dating pangulong Corazon Aquino, maaaring awtomatikong maglaan ng pondo ang gobyerno para bayaran ang mga utang nito sa iba’t ibang dayuhang korporasyon (i.e. iyung gumawa ng MRT, LRT, Bataan Nuclear Power Plant, atbp.), pati ang internasyunal na mga institusyong pampinansiya tulad ng World Bank, International Monetary Fund at Asian Development Bank.

Kabilang sa taun-taong binabayaran ng gobyerno ang interes sa mga utang na nagkakahalagang PhP352-B, mga ipinangakong kita ng mga dayuhang kompanyang kinasosyo ng gobyerno,  at marami pang iba.

Kung isasama ang pambayad-utang, na aabot sa PhP700-B, at pati ang intelligence funds na nakalaan para sa Pangulo, aabot sa pagitan ng PhP1-Trilyon at PhP1.5-T ang pork barrel ni Aquino.

Sang-ayon dito sai Leonor Briones, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at dating national treasurer. Aniya, bahagi ng pork barrel ng Pangulo hindi lamang ang lump sum appropriations na direktang nakaalan at nasa diskresyon ng Pangulo, kund iyung nakalaan sa mga ahensiya ng Ehekutibo

Aabot nga sa mahigit PhP1-T ang pork barrel ni Aquino kung isusuma ang lahat, ani Briones.

Ginisang baboy

Protesta kontra pork barrel sa tarangkahan ng Malakanyang sa Mendiola noong Setyembre 21. (KR Guda)

Protesta kontra pork barrel sa tarangkahan ng Malakanyang sa Mendiola noong Setyembre 21. (KR Guda)

Noong budget hearing, sunud-sunod na pinagtatanong si Ochoa ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ACT Teachers Rep. Antonio Tino, at iba pang kongresista, hinggil sa mga pondong hinihingi ng Office of the President.

Ikinagalit ni Colmenares ang pagtanggi ni Ochoa na sagutin ang mga tanong kaugnay ng paglalanan ng mga pondo na nasa diskresyon ng Pangulo sa ilalim ng 2014 pambansang badyet.

Kasabay nito, noong Setyembre 10, naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa paglabas ng PDAF. Isinama pa nito ang mga pondo mula sa proyektong Malampaya.

“Kami sa Bayan Muna ay natutuwa sa bagong debelopment na ito kontra sa sistemang pork barrel. Ipinapakita ng pagsama sa TRO ng pondo ng Malampaya, na nagkakahalagang PhP132-B, na walang pinag-iba ito sa PDAF, na nagkakahalagang PhP25-B lang, dahil sa katangian nitong lump-sum na nasa diskresyon lang ng Pangulo,” paliwanag ni Colmenares.

Hiniling ni Colmenares at ng progresibong mga organisasyon na agad na ilaan ang naturang pondo direkta sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pampublikong mga paaralan at ospital.

Samantala, iginiit naman ni Maceda, sa kanyang kolum, ang pangangailangang imbestigahan pa rin ang nakaraang kuwestiyonableng mga paggamit ng Pangulo sa pork barrel nito.

“Dapat maipaliwanag at ma-audit ang P23.6-B na inilabas mula sa Malampaya Fund bago ang eleksiyong 2010,” sabi pa ni Maceda.

Dateline: Bali | A Pinoy Weekly newsblog on WTO Bali MC9

$
0
0

dateline bali iconPinoy Weekly believes economic and trade issues need to be reported from the perspective of ordinary people and marginalized sectors. Because of this, PW is now in Bali, Indonesia to cover the 9th Ministerial Conference of the World Trade Organization (WTO) on December 3 to 6, 2013. This page will serve as our news blog, covering both the ministerial conference in the plush and heavily militarized Nusa Dua Convention Center as well as the parallel activities designed as counterpoint to the meeting, namely the People’s Global Camp, sponsored by the Indonesian People’s Alliance (IPA) in Ngurah Rai Sports Center in Denpasar, Bali. WTO is the international organization that oversees trade negotiations between governments and the multilateral trade system. But many analysts have been critical of the organization — many are even calling for its junking — for its undemocratic processes dominated by developed countries, primarily the United States, which through various means influence the negotiations for its own benefit and at the expense of the impoverished countries.

* * *

7 December 2013

Bandung Conference in Bandung, Indonesia in 1955: prefiguring hope for the future of the community of nations, despite WTO Bali. (Photo from chinaculture.org)

Bandung Conference in Bandung, Indonesia in 1955: prefiguring hope for the future of the community of nations, despite WTO Bali. (Photo from chinaculture.org)

2PM: A rebirth of the World Trade Organization?

This is, at least, what folks in WTO have been touting since all 159 member-countries, including “a few bad apples” (our term) like India, Cuba, Venezuela, Nicaragua and Bolivia, expressed support for the Bali Package this morning.

Following intense negotiations brokered by WTO Director General Roberto Azevedo, Cuba finally caved — and approved of a package that this time contained a clause on inclusivity of all trading countries in trade facilitation (including Cuba, who is under a 51-year trade embargo by the United States — causing the unnecessary suffering of countless Cubans for generations). It was a compromise, as one imagines Cuba would have wanted a more categorical promise of lifting the harsh embargo (that had been condemned by the UN bodies and many countries, by the way). Nevertheless, one surmises that other factors must have come into play in Cuba and the ALBA countries’ decision — like the affect their refusal of the Bali Package would have on their relationship with other trading partners.

The problem, of course, is that based on many studies and progressive analyses the TF clause in Bali would only facilitate trading of countries who already are at an advantage to begin with — the developed countries, and especially the United States. TF does nothing to facilitate the development of national industries that would provide food security and basic needs of any given developing country.

In the mean time, WTO is “reborn”. Neo-liberal multi-lateralism is purportedly given a new lease in life. One hopes that this development (or, to put it another way, a lack thereof) conclusively proves the futility in reforming creatures of imperialism like the WTO, and that it is time, no it is long overdue, to fight for an alternative system of trade and economic cooperation among nations that is based on human rights, national sovereignty and mutual respect and cooperation.

Let us end this blog with a quote. It forms part of a speech of another Indian minister. This time, Indian Prime Minister Jawaharlal Nehru. He spoke these words at the closing of an African-Asian conference that was held in a place not far from Bali, in Java, Indonesia. It was in Bandung, and it happened almost 60 years ago. It has been called the Bandung Conference, and it produced one of the rare documents of human history that prefigured a more equitable and prosperous community of nations. In Bandung  on April 1955, Nehru said:

Nehru in Bandung, April 1955. (awcungeneva.com)

Nehru in Bandung, April 1955. (awcungeneva.com)

We are not `yes-men’, I hope, sitting here saying `yes’ just to this country or that, saying `yes’ even to each other. I hope we are not. We are great countries in the world who rather like having freedom, if I may say so, without dictation. Well, if there is anything that Asia wants to tell them it is this: No dictation there is going to be in the future; no `yes-men’ in Asia, I hope, or in Africa. We have had enough of that in the past. We value friendship of the great countries and if I am to play my part, I should like to say that we sit with the great countries of the world as brothers, be it in Europe or America. It is not in any spirit of hatred or dislike or aggressiveness with each other in regard to Europe or America, certainly not. We send our greetings to Europe and America, I hope, from all of us here, and we want to be friends with them, and to cooperate with them. But we shall cooperate only as friends, as equals. There is no friendship when nations are unequal, when one nation has to obey another, and when one dominates over another. That is why we raise our voices against the domination of colonialism from which many of us have suffered so long, and that is why we have to be very careful that any other form of domination does not come in our way.

KR Guda

5 AM:  It had already been announced to the press: At 3 AM, there will be a heads of delegation session that would virtually put a stamp, by consensus of the 159 members of the World Trade Organization, on the latest draft of the Bali Package containing, among others, trade facilitation (essentially, agreement to allow trading countries easier access to markets and/or raw materials) and food security.

Cuban head of delegation to the WTO 9th Ministerial Conference

Cuban head of delegation to the WTO 9th Ministerial Conference

But they spoke too soon. A while after that, it was announced that the ceremony had been moved to 4:30 AM, due to delays in ironing out the wording of the section on food security. (India, which had been its most vocal advocate, reportedly softened its stance and approved WTO Director General Roberto Azevedo’s proposed text that promises a “permanent solution” to increase agriculture subsidy, possibly after four years.)

THEN, a briefing. WTO spokesman Keith Rockwell announces: No deal in Bali, as of now.

Cuba, which had been pushing for an inclusion of a section about the longstanding US trade embargo on it, backs out of the deal. This after the text on the removal of the trade embargo mysteriously disappeared from the latest draft agreement. Now standing with him against the Bali Package are the ALBA countries: Venezuela, Bolivia and Nicaragua.

Rockwell said the WTO will continue consultations, even as some country delegates had already left. “We’re keeping the rooms!” Rockwell says, indicating their intention to continue the talks in an effort to salvage the Bali Package.

As we say in Manila: Pasabog (bombshell).

KR Guda

_____________________________________________________________________________________________________

6 December 2013

3:33PM There are rumors circulating among media that India has struck up an agreement with the United States, presumably regarding the agriculture proposal in the Bali Package. Other countries, in the mean time, have yet to sign on. Again, this is a rumor, and it is possible that there are attempts at disinformation by vested interests during this crucial time. Press people are still waiting the final word. A closing session that was set at 3PM appears to have been put off.

In the mean time, allow us to share this statement from one of the country delegates here in WTO Bali:

“A new tyranny is thus born,invisible and often virtual, which unilaterally and relentlessly imposes its own  laws and rules. An even worse development is that such policies are sometimes locked in through trade rules negotiated at the WTO or in bilateral or regional FTAs. Debt and the accumulation of interest also make it difficult for countries to realize the potential of their own economies and keep citizens from enjoying their real purchasing power. To all this, we can add widespread corruption and self-serving tax evasion, which have taken on worldwide dimensions. The thirst for power and possessions knows no limits. In this system, which tends to devour everything which stands in the way of increased profits, whatever is fragile, like the environment, is defenceless before the interests of a deified market, which become the only rule.”

This statement does not come as a surprise now. It is because it comes from the Vatican representative.

The Indian minister of commerce and industry, Anand Sharma, during a press conference on Dec. 5. (WTO/Antara)

The Indian minister of commerce and industry, Anand Sharma, during a press conference on Dec. 5. (WTO/Antara)

1PM: Last day (?) of the negotiations. The mood is sombre, people a little uneasy. The WTO spokesman, Keith Rockwell, said that the director-general is working on a compromise (of a compromise) deal that would save the talks. An extension in the negotiations is possible. The protests are getting more frequent — and closer — and this puts the police, the security here at the convention center, further uneasy. Hearing the Indian minister, Anand Sharma, yesterday, one senses that a deal at this point would be far-fetched. Despite the insinuations, the brickbats, even from the western media, Sharma and the Indian delegation stood firm on the proposal to allow governments the policy space (supposedly) to assist their countries’ farmers.  Whatever the motivation (they say political, because Indian elections is coming up next year, and the ruling party wanted to project a nationalist image to voters), India has stood its ground against the bullying and other pressure tactics of the US and other developed, (er, imperialist?) countries.

Meanwhile, at a rally held at the gate of Nusa Dua Convention Center, some 50 peasant activists from various South and Southeast Asia identified with the 15-million strong Asian Peasant Coalition (APC), the International League of People’s Struggle (ILPS), International Fisherfolk and Fishworkers Coalition (IFWC) and the Indonesian People’s Alliance (IPA) said Azevedo is a triple platinum liar, a rabid apologist of WTO and a salesman of neo-liberal globalization. The peasants were joined by members of youth and workers’ organizations. The protest, as well as that of yesterday with women activists, happened despite the increased security, the public declaration by the Indonesian government that they will be disallowing protests in Nusa Dua.

Indonesian police push back peasant, youth and worker activists protesting against WTO in Nusa Dua, Bali. (Boy Bagwis)

Indonesian police push back peasant, youth and worker activists protesting against WTO in Nusa Dua, Bali. (Boy Bagwis)

KR Guda / Boy Bagwis
 
 For more photos of the protest action, visit our Facebook page. For more updates,  follow us on Twitter and like us on Facebook
 
_____________________________________________________________________________________________________

5 December 2013

Women solidarity action against the WTO. (Boy Bagwis)

Women solidarity action against the WTO. (Boy Bagwis)

With just a day left at the WTO 9th Ministerial Conference, women from the Philippines, Indonesia and elsewhere belonging to the International Women’s Alliance (IWA) staged a protest rally right at the doors of the World Trade Organization to cries of “NO Deal in Bali” and “Junk WTO”.

An hour earlier, India’s trade Minister, Anand Sharma, went on press conference to say that India will not budge from its stand on food security and did not buckle under US pressure.    With this a Bali trade deal is deemed unlikely.

Despite strict warnings on rallies by Indonesian security forces, the women sprung a surprise and gathered at the gate of the WTO MC9 meeting.  They came straight from the People’s Global Camp (PGC) at GOR Ngurah Rai Sports Center where a four-day protest activity against WTO was being held. Among the protesters were members of GABRIELA, including Gabriela Partylist Representative Emmie de Jesus.

The protest was followed by a snake rally inside the WTO building staged by women  participants of PGC, mostly indigenous women,  and belonging to the ILPS (International League of People’s Struggle).

IWA said that standing up against big bullies in WTO should be every poor nation’s stance to safeguard one’s sovereignty.  It deemed that all talks about “trade facilitation,” strengthening special and differential treatments, and a “peace cause” mean nothing at all to women who face worsening situations today.  All of these offer no significant shelter or relief for hunger and impoverishment.

“We have had enough of this; there should not even be any meetings at this point. These ministers should just go home.” says IWA Chair Liza Maza. Prior to this, pre-MC talks already broke down when India strongly demanded for protection of its farmers and those of other poor nations.

The WTO MC 9 meeting is bound to fail even as the US tries to resurrect and conclude the Doha Development Agenda, said Gabriela Representative de Jesus.  She said that resistance has been growing outside and inside the WTO especially against the bullying of the US of developing and least developed nations who refuse to toe the US line particularly on the issue of subsidies on food and agriculture.

Yanni Fernan

 For more photos of the women solidarity action, visit our Facebook page. For more updates,  follow us on Twitter and like us on Facebook

______________________________________________________________________________________________________

4 December 2013

Agriculture Undersec. Romeo Recide (Photo from http://www.bas.gov.ph/)

Agriculture Undersec. Romeo Recide (Photo from http://www.bas.gov.ph/)

Behind closed doors, country delegates were busy negotiating, looking to work on a deal here in Bali that WTO believes would help in regaining credibility for the neo-liberal, multilateral trade system. Outside, news was rife that the Indonesian President, Susilo Bambang Yudhoyono, in an apparent act of desperation, was set to call the Indian Prime Minister, to help convince the latter to accept bits of the Bali Package, particularly the one on trade facilitation — the very part of the package that would purportedly benefit multinational corporations from developed countries like the US. The Indonesian President’s spokesman confirmed such plan, but did not provide details.

Meanwhile, Filipinos from Focus on the Global South, Alliance of Progressive Labor and other allied groups, sought a dialogue with the Philippine delegation, and Pinoy Weekly was invited to observe. They were met with Agriculture Undersecretary Romeo Recide and his colleagues, who explained the Philippine government’s position on the negotiations on agriculture subsidies. Essentially, the government folks said that they were in favor of the Peace Clause (that is, the US proposal that gives a 4-year moratorium on countries violating the 10% limit on agriculture subsidies). It was a compromise, they said, as the Philippines were one of the stalwarts of the G33 proposal on agriculture that essentially rewrites the original Agreement on Agriculture (AoA) that entered into force with the establishment of the WTO — the new proposal allows for more subsidies for agriculture, especially for subsistence farming.

It was a compromise, indeed. But the problem, as Ibon International’s Paul Quintos noted, was that by saying it agrees on trade facilitation while negotiating for a better deal on agriculture, the Philippines no longer has any leverage on the latter. In other words, by its own admission, it has weakened its position on negotiating for the right to subsidize agriculture — even one as compromised as the G33 proposal.

“Maybe we must look at this as a challenge to step up (in the free market competition),” says one Philippine government delegate. To which, of course, one can answer that it is one thing for us to step up to challenges of the future and another to face these challenges utterly unprepared, ill-equipped and left to fend for ourselves.

KR Guda

 * * *

REPORT FROM PEOPLE’S GLOBAL CAMP | Militant calls mark opening plenary of People’s Global Camp

Opening plenary of the People's Global Camp (Boy Bagwis)

Opening plenary of the People’s Global Camp (Boy Bagwis)

Bubarkan WTO! Junk WTO!”

These slogans echoed inside Ngurah Rai Sports Center as the People’s Global Camp (PGC) opened its plenary session this morning, December 4, with around 500 participants.

Yesterday Dec 3, a march-rally of a thousand participants marked the first day of the PGC from the Puputan Park to the PGC venue. However about a hundred youths wanting to come to the rally from Banyuwangi district were prevented and violently dispersed by the police at Kalipuro sub-district before they could reach Puputan Park.  Nine were arrested, but were later released.,

International League of Peoples’ Struggle (ILPS) Chairperson Jose Maria Sison opened the session with a solidarity message highlighting peoples’ resistance. Two decades of neoliberal globalization have led the world to a state of fast-accelerating recurrent crisis with the broad masses of the people fighting back, according to Sison.

He challenged the PGC to further develop the capacity to hold globally coordinated action. He also called on all positive forces to expand and consolidate their mass base at the national and grassroots level.

International and local speakers discussed various issues related to WTO and the imperialist policy of neoliberal globalization.

Antonio Tujan Jr. of Ibon International contextualized the global neoliberal policy, its multiple crises and the renewed neoliberal offensive. “The Bali conference is a critical arena in the neoliberal offensive against enabling and empowering poor countries to shape their own agenda for sustainable development,” he said.

Tujan further stressed that “the hard truth is that the WTO is actively preventing the development of the economies of poor countries”. He added that the goal should be system change and sustainable development for all.

Our World Is Not for Sale (Owinfs) global network’s Deborah James reiterated the network’s demand against trade facilitation and WTO expansion. She called on countries to agree in Bali to remove WTO rules against food security.

Meanwhile, International Women’s Alliance’s Azra Sayeed criticized the United States for its imperialist aggressions over countries through its US military industrial complex. Approximately 400,000 US military personnel are forward-stationed everyday around the world, Sayeed said citing the 2010 Quadrennial Defense Review (QDR).

Nur Hidayati of Walhi (Wahana Lingkungan Hidup Indonesia) highlighted climate change, trade and commodification of nature in Indonesia. She raised concern over false solutions such as REDD (Reducing Emission from Deforestation and Forest Degradation) or “green grabbing” which is similar to taking over peoples’ control over their lands in the name of conservation to save the climate.

“The domination and control of US imperialism through WTO has been shown to destroy the national economy, undermine the political sovereign, national culture and brought evil to Indonesia,” Ahmad SH, spokesperson of the Indonesian People’s Alliance, said in his speech.

He challenged the peoples of the world “to understand the rottennes and evil schemes of imperialism through WTO and various forums and institutional cooperation that made them.”

After the morning session,  the participants huddled into several tents to hold workshops, view photo exhibits, and staged cultural performances.

Yanni Fernan

 For more photos of the PGC plenary, visit our Facebook pageFor more updates,  follow us on Twitter and like us on Facebook

 _____________________________________________________________________________________________________

3 December 2013

Indon Pres. Susilo Bambang Yudhoyono (right) WTO Director General Roberto Azevedo (center), and Indon Trade Minister Gita Wirjawan. (Antara Photo)

Indon Pres. Susilo Bambang Yudhoyono (right) WTO Director General Roberto Azevedo (center), and Indon Trade Minister Gita Wirjawan. (Antara Photo)

If the fortress-like security within the convention center that is the venue of the 9th Ministerial Meeting of the World Trade Organization (WTO) was not enough, the Indonesian security personnel further beefed up its security. Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono was to speak at the WTO opening session, so security limited the number of people passing through the lobby near the plenary session hall. A special badge had to be secured (they only gave 150 badges for press people).

The opening session was uneventful in itself, with WTO Director General Roberto Azevedo and President Yudhoyono, as well as the trade minister and chair of MC9, Indonesian Trade Minister Gita Wirjawan, reiterating earlier statements that WTO is now in a “do or die” situation: the ministers had to approve the Bali Package (essentially, proposals on trade facilitation, agriculture, trade in services, information technology — but talks mostly centered on trade facilitation and agriculture or the G33 proposal) or WTO will lose all credibility as a major instrument for multilateral trade system.

The problem, as critics themselves have noted, was that the speeches were laced with threat: approve the package — that mostly benefits developed countries like the US and European Union — or you shall be the cause of the collapse of multilateral trade. India, in particular, had been the subject of thinly-veiled threats, as it has stood firm on the admittedly-flawed G33 proposal on agriculture (essentially, revising the Agreement on Agriculture to allow countries to subsidize subsistence farmers, purportedly to prevent massive poverty and hunger) despite pressure from the developed countries and the WTO secretariat.

Already, Indian representatives have declared that they will stand firm on the proposal.

But the machinations did not end there. When not threatening developing and least-developed countries, US and others entice the poor countries with proposals that supposedly make it easy for LDCs to develop their industries and trade with the rich countries. In particular, they proposed the Peace Clause, which allows India not to be sued for 4 years only while it insists on subsidizing its farmers. Obviously, the proposal is aimed at softening the stance of India, who now faces the possibility of sanctions for standing firm on its cotton subsidies.

The negotiations, of course, can go either way. But whatever the outcome in Bali, what is certain is that the developed countries led by the US will continue to pursue its imperialist interests (via bilateral or regional trade agreements, for example) at the expense of the vast majority of the peoples of the world — with or without the WTO.

(KR Guda)

* * *

REPORT FROM PEOPLE’S GLOBAL CAMP | Philippine activists join People’s Global Camp vs. WTO

Anakpawis Rep. Rafael Mariano (center), with Indonesian People's Alliance spokesperson Ahamd SH, at the start of the cultural parade against WTO to commence the People's Global Camp. (Boy Bagwis)

Anakpawis Rep. Rafael Mariano (center), with Indonesian People’s Alliance spokesperson Ahamd SH, at the start of the cultural parade against WTO to commence the People’s Global Camp. (Boy Bagwis)

BALI, INDONESIA — On the opening date of the 9th Ministerial Conference of the World Trade Organization (WTO) in Bali, Indonesia, international organizations today joined Indonesian groups in a kick-off cultural protest parade at the Puputan Park to mark their opposition against neoliberal policies of the WTO.

Representatives and delegates from various Philippine grassroots and people’s organizations, under the umbrella of Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) , participated in the cultural protest parade.

The Philippine organizations include Kilusang Mayo Uno, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Health Alliance for Democracy, Anakbayan, Migrante International, League of Filipino Students, Gabriela, Salinlahi, COURAGE, Cordillera People’s Alliance, Piston. They were also joined by think-tank IBON International and the International League of People’s Struggles (ILPS)-Philippines.

After the onslaught of supertyphoon Yolanda (Haiyan), Philippine people’s organizations said they find more reason to oppose and reject neoliberal policies of the WTO, especially the so-called “Bali package” and the “post-Bali agenda”, which are focused mainly on agriculture and trade liberalization and further deregulation of the global labor market.

Women activists of Gabriela joined the People's Global Camp in Denpasar, Bali. (Boy Bagwis)

Women activists of Gabriela joined the People’s Global Camp in Denpasar, Bali. (Boy Bagwis)

The Philippine activists hit the continuous subservience of the Aquino government to the imperial dictates of the WTO. According to them, this, coupled with the regime’s criminal incompetence in providing immediate relief and rehabilitation for Yolanda survivors,  will certainly result in the worsening of massive poverty, displacement and joblessness, violation of labor rights, and expropriation of land, natural and human resources in the Philippines.

“The impact of the disaster on the Philippine economy is very grave. It will become even graver with the renewed neoliberal offensive of the WTO on agriculture and trade. Already, hardest-hit areas of the supertyphoon are being targeted as staging grounds for increased foreign investments and control of the local economy.  This is made more glaring by the presence of foreign troops under the guise of ‘rehabilitation’ and ‘humanitarian foriegn aid’, said Bong Labog, chairperson of KMU and vice-chairperson of Bayan.

Labog cited the case of post-earthquake Haiti  wherein foreign and local private-sector investment played a huge part in the “re-building” of infrastracture needed to promote economic development and attract foreign corporations to finance roads, power lines, factories, markets, farm lands and the like.

The Philippine participants will be holding workshops and self-organized activities within the People’s Global Camp. The PGC will be held from December 3-6, 2013 at the Ngurah Rai Sports Center.

Some 1,000 delegates from local and interntional organizations are  participating in the event.

Go to our Facebook page album for more photos. For more updates,  follow us on Twitter and like us on Facebook

____________________________________________________________________________________________________ 

2 December 2013

QUITE THE TALKER. Keith Rockwell, WTO director for information and external relations division. (Boy Bagwis)

QUITE THE TALKER. Keith Rockwell, WTO director for information and external relations division. (Boy Bagwis)

In his first press briefing a day before the official start of WTO 9th Ministerial Conference here in Bali, Indonesia, WTO spokesperson Keith Rockwell addressed issues facing the upcoming negotiations, including the much-criticized “Bali package“. Rockwell admitted that forging an agreement within the conference is crucial to the existence of the multilateral trade system, and that “there is no Plan B” for the WTO should talks fail — as they have failed many times before.

A member of the Front Mahasiswa Nasional (FMN), a large youth organization in Indonesia, unfurls the banner of the International League of Peoples' Struggle (ILPS), in a protest action against the World Trade Organization. The students protested near the US consulate today because they criticized the US government for its maneuvering to force poor countries to accept liberalization policies and other neoliberal policies that favor US businesses while virtually killing local industries of the the poor countries. (Boy Bagwis)

A member of the Front Mahasiswa Nasional (FMN), a large youth organization in Indonesia, unfurls the banner of the International League of Peoples’ Struggle (ILPS) in a protest action against the World Trade Organization. The students protested near the US consulate today, criticizing the US government for forcing poor countries to accept liberalization policies and other neoliberal policies that favor US businesses while virtually killing local industries of the the poor countries. (Boy Bagwis)

Meanwhile, near the US consulate in Bali, more than a hundred students marched, unfurling banners and flags that condemn the WTO and the dominant force behind it — the US government.

Youth members of the Front Mahasiswa Nasional (FMN), which is one of the biggest youth organizations in Indonesia, declared their intention to take part in the various expressions of resistance against the WTO, including the People’s Global Camp (PGC) to be held in Ngurah Sai Sports Center in Denpasar, Bali at the same time as the ministerial conference.

“We are joining the growing people’s resistance against the WTO as we demand that the youth and the people’s interests, not neo-liberal policies, be made priority by national governments like the Indonesian government,” said Sandy Ame, FMN general secretary.

FMN also decried the removal by the WTO of the accreditation of some of its members who were earlier accepted as nongovernment organization (NGO) observers to the ministerial meeting.

According to the group, on afternoon of November 30, L. Muh. Hasan Harry Sandy Ame, general secretary of FMN, went to Hotel Santika to collect the registration badges for him and his three other colleagues.

There they were denied their badges. After pressing for answers, FMN’s Ame was eventually met by four representatives of Indonesia’s foreign and trade ministries who said that (1) “FMN’s platform and framework of the WTO run counter to each other”; (2) FMN “poses a security risk to the WTO”; and (3) FMN is “not legally registered as an organization in Indonesia.”

“Clearly, the FMN, despite having critical view of the WTO, wants to join in the WTO debate inside the ministerial. It is part of the
Indonesian civil society that wants to be involved in the process and lobby with other sectors and interest groups to governments for a human rights-based and people-centered trade framework. Is this what the Indonesian government scared of?” lamented Ahmed SH, spokesperson of the Indonesian People’s Alliance (IPA), of which FMN is a member.

IPA is sponsoring a People’s Global Camp as a counterpoint to the WTO ministerial meeting, to be held on December 3 to 6 at Ngurah Sai Sports Center, Denpasar, Bali.

Updates by KR Guda & Boy Bagwis

More photos of the FMN protest action here. For more updates, follow us on Twitter and like us on Facebook

PW Espesyal na Isyu: Hinggil sa panawagang hustisya ng mga biktima ng bagyong Yolanda (14 Pebrero 2014)

$
0
0
Espesyal na print issue ng Pinoy Weekly na lumabas noong Pebrero 14, 2014. Nasa loob: Hustisya ang hangad ng mga biktima ni Yolanda at kapabayaan ng gobyerno; One Billion Rising for Justice; Kuntsabahan sa taas-singil sa kuryente; Pagmahal ng edukasyon sa buwan ng Pebrero; Kababalaghan sa Disbursement Acceleration Program o presidential pork barrel; at marami pang iba.

BUKLATIN | PW Espesyal na Isyu: Mayo 1, 2014 Araw ng Paggawa

$
0
0

Naglabas ang Pinoy Weekly ng espesyal na isyu para sa Mayo 1, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Kasama rin dito ang espesyal na supplement na naglalaman ng panayam sa dalawang bilanggong pulitikal na sina Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon. Nasa supplement din ang mensahe nila para sa Mayo 1.

LAMAN NG ISYU: Sabwatan ng kapitalista at gobyerno: Ang kaso ng mga obrero ng Carina Apparel | Kontraktuwal sa gobyerno | 10 katotohanan hinggil sa “pagkakaibigang” PH-Amerika | Anino ng Batas Militar | Pandarahas sa Hacienda Luisita | Cha-cha, banta sa soberanya | Gang of 5 sa Yolanda | West Philippine Sea: Teritoryo ng Pilipinas | Infographic: Monopolyo sa kuryente

Tinakasan ng kapitalista, ipinagkanulo ng gobyerno

$
0
0
Laban ng mga manggagawa ng Carina Apparel: Kaanib ng paglaban ng manggagawang Pilipino sa kontraktuwalisasyon, mababang sahod at neoliberal na mga polisiya. <strong>King Catoy</strong>

Laban ng mga manggagawa ng Carina Apparel: Kaanib ng paglaban ng manggagawang Pilipino sa kontraktuwalisasyon, mababang sahod at neoliberal na mga polisiya. King Catoy

Hindi makapaniwala ang halos 3,600 na manggagawa ng Carina Apparel Inc. sa sinabi sa kanila ng manedsment na magkakaroon sila ng isang linggong paid leave. Sa kanilang 15 taon na pagtatrabaho, hindi pa sila pinagbakasyon nang may sahod. Nagsuspetsa nila na may mali.

Hindi sila nagkamali. Noong Pebrero 21, huling araw ng kanilang “leave,” pinatawag ng manedsment ang mga manggagawa at sinabi ang kanilang kinatatakutan: magsasara na ang kompanya; nalulugi raw ito.

Imposible ang sinasabi ng kompanya, ayon sa mga manggagawa. Kamakailan lang, pinamadali sa kanila na matapos ang napakalaking order: 10 container vans ng mga bra, panty, at iba pang lingerie na may mamahaling international brands gaya ng Victoria’s Secret, Dillard’s, Marks & Spencer, Uniqlo, at iba pa.

Mamahaling lingerie, murang sahod

Pabrika ng Carina Apparel.

Pabrika ng Carina Apparel.

Ang Carina Apparel sa Laguna International Industrial Park ang pinakamalaking pagawaan sa bansa ng imported na lingerie. “Akala ng mga Pinoy sa labas ginagawa, dito lang gawa ‘yon,” sabi ng isang manggagawa. Ang mga manggagawa rito’y sinasahuran ng mula P337 hanggang P408 kada araw para sa masinsing paggawa ng mga produktong binebenta sa merkado nang mula $18 hanggang $70 kada isa.

Noong Pebrero, dapat sana ay papasok na ang kanilang unyon sa panibagong round ng Collective Bargaining Agreement. Pero nagsara na nga ang kompanya, bago pa man ihapag ng mga manggagawa ang kanilang mga kahilingan, pangunahin ang dagdag-sahod.

Karamihan sa kanila, nagmula na sa iba’t ibang pagawaan ng garments (sister companies ng Carina), na ‘ilegal’ ding nagsara rin noong dekada ’90. Hinala nila noon, isinara ang dating mga kompanya at itinayo ang Carina para mabuwag ang mga unyon at makapagtanggal ng mga manggagawa.

Ngayon, sa ‘ilegal’ na pagsasara naman ng Carina, parehong dahilan ang kanilang nakikita: pambubuwag ng unyon, pagtatanggal ng regular na mga manggagawa para palitan ng kontraktuwal. O di kaya, ang paglilipat ng mga operasyon sa Sri Lanka, kung saan sinasabing lalong mas mura ang lakas-paggawa.

Piketlayn ng mga manggagawa ng Carina. <strong>King Catoy</strong>

Piketlayn ng mga manggagawa ng Carina. King Catoy

Sa ngayon, wala pang pinatutunguhan ang paghahabol nila sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng kasong illegal closure sa mga may-ari ng kompanya, na pinangungunahan ng dayuhang si Andrew Sia ng ACE Style Intimate Apparel Ltd., mother company ng Carina na nakabase sa Hong Kong. Kailanman, hindi nakita ng mga manggagawa ni anino ni Sia. Hindi rin maobliga ng DOLE ang may-ari na humarap sa mga manggagawa, lalo pa at sinasabi ng mga abogado ng kompanya na nagpalit na ang mga may-ari ito.

“Sa ngayon, hindi namin alam kung saan kami kukuha ng ng ikabubuhay, kung paano kami makakapagsimula ulit. Dapat humarap ang may-ari at panagutan ang pinsalang ginawa niya sa aming manggagawa,” sabi ni Elmer Mercado, bise-presidente ng unyon.

Sa ngayon, marami ang napipilitang manahi sa ibang pagawaan sa piece rate, o napakababang halaga na 20 sentimos kada piraso. Umaabot lang sa P150 ang kinikita nila maghapon—sapat lang, umano, para sa isang kilos bigas at galunggong na ipangkakain sa pamilya.

“Walang pangangalaga (si Pangulong Aquino) sa amin. Napakaraming foreign investors ang tinakasan ang mga manggagawa, at hinahayaan lang ng gobyerno na panay ang akit sa padating nila,” dagdag ni Mercado. Aniya, milyun-milyong Pilipino na nga ang walang trabaho, madadagdagan pa ng 3,600 mula sa kanilang hanay.

Mga ‘pahirap’ ni Aquino

Noong Mayo 1, Araw ng Paggawa, muling pangungunahan ng sentro ng paggawa na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang malakihang mga pagkilos ng mga manggagawa at iba pang sektor ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nanawagan silang wakasan na ang pagpapahirap umano ni Pangulong Aquino sa mga mamamayan, lalo na sa mga manggagawa.

“Galit ang mga manggagawa sa polisiya ng murang paggawa ni Aquino. Bigo ang pangulo na lumikha ng disenteng trabaho para sa mga Pilipino, at lalo pang pinahirapan ang mga manggagawa,” sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Ayon sa sarbey ng Social Weather Stations noong huling kuwarto ng 2013 nasa 12.2 milyong Pilipino ang walang trabaho. Tinatantiya rin ng Migrante International na 4,000 Pilipino ang umaalis kada araw para magtrabaho sa ibang bansa, dahil sa kakulangan ng trabaho at mababang sahod sa bansa.

Sa loob ng apat na taon, ayon sa KMU, hindi dininig ni Aquino ang panawagang P125 dagdag-sahod ng mga manggagawa
sa buong bansa. Barya-barya kung mag-utos man ang gobyerno ng taas-sahod. Ipinatupad ang Two-Tiered Wage System, na kinakaltasan pa ang sahod ng  mga manggagawa o di kaya’y pinapako ito sa napakababang halaga.

Lumala rin ang kontraktuwalisasyon. Sa tantiya ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o Eiler, mahigit pa sa apat na milyon ang mga manggagawang kontraktuwal sa bansa. Kalahati nito ay mga agency-hired, na tumatanggap ng mas mababang sahod kaysa direct-hired.

Sinabi ng KMU na hangga’t walang pundamental na mga pagbabago sa lipunan, lalala lamang ang kawalang trabaho at pagpapahirap sa mga manggagawa.

“Sa gita ng pandaigdigang krisis, kailangan natin ng pag-eempleyo na hindi nakaasa sa dayuhang pamumuhunan para lumikha ng mga trabaho. Kailangan palayain ang potensiyal ng ating mga produktibong puwersa sa pamamagitan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon,” ani Labog.

Pero kabaligtaran nito ang ginagawa ni Aquino. Ayon nga sa tinakasang mga manggagawa ng Carina, “walang maasahan” sa gobyernong nagkanulo sa kanila. Nabigla man sila sa pagtanggal sa kanila sa trabaho, handang-handa naman silang lumaban.


PW SPECIAL ISSUE | Independence Day 2014 Magazine issue

$
0
0

PW ESPESYAL NA ISYU - MAGAZINE - 2014-06-12 NOYNOY PORK OUST cover-smallBasahin sa itaas ang Pinoy Weekly ngayong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan, ng espesyal na magazine issue. Pangunahing laman ang analisis sa pagkanlong ni Pangulong Aquino sa mga alyadong sangkot sa pork barrel scam at pananangutan niya sa bayan. Laman din ang sumusunod: EDCA at Araw ng Kalayaan; Monopolyo sa lupa at CARP; Pagdepensa ng mga Manobo kontra sa militarismo at agresyon; Di-makataong pagtrato kay Andrea Rosal; Kolonyal at elitistang edukasyon; at Usapang pangkayapaan at mga bilanggong pulitikal. (Iklik ang anumang pahina para lumaki.)

Maaaring ma-download ang isyu dito (i-right click at save).

Where did P11-B DAP for urban poor housing go?

$
0
0
Houses in off-city relocation sites--where most of the DAP for housing went--are substandard. In Rodriguez, Rizal, several houses had their roofs blown away during typhoon Glenda. Ilang-Ilang Quijano

Houses in off-city relocation sites, where DAP funds for housing may have been spent, are substandard. In Rodriguez, Rizal, several houses had their roofs blown away during typhoon Glenda. Ilang-Ilang Quijano

Urban poor residents in Metro Manila and off-city relocation sites are questioning where the billions of pesos in Disbursement Acceleration Program (DAP) funds meant for their housing went—and it seems like they have every reason to.

Former residents of Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City today staged a protest at the National Housing Authority (NHA) office in Rodriguez (Montalban), Rizal to demand where the the P450 Million supposedly allocated for them under the DAP went.

Among the list of DAP projects released by the Department of Budget and Management (DBM) last July 14 was a P450-M resettlement program for 10,000 North Triangle residents affected by the establishment of a business district in QC.

These funds, which supposedly went to the construction of medium-rise buildings (MRB) in Camarin, Caloocan City for the residents, were released to the NHA in 2011.

Jennie Espacio, a former leader in North Triangle and now a relocatee in Southville village, Brgy. San Isidro in Montalban, however, said that most of the residents were relocated by the government not to Caloocan, but to off-city relocation sites.

Kasuklam-suklam ang paglilihim ng gobyerno na may P450-M pala para sa in-city housing ng mga residente ng Sitio San Roque. Karamihan sa mga nabiktima ng demolisyon simula 2010 ay itinapon ng gobyerno sa malalayong pabahay at ngayo’y naghihirap dahil sa kawalan ng batayang mga serbisyo at hanapbuhay sa relokasyon (It is revolting that the government hid from us the fact that there is P450-M for in-city housing of residents of North Triangle. Most of the victims of demolition since 2010 are now suffering from lack of services and jobs in far-off relocation sites),” Espacio said.

She further revealed that they only received meager financial assistance from the NHA. “Hanggang ngayon, hindi pa rin naibibigay sa amin ang ipinangako ng NHA na P1,000 piso kada pamilya na karagdagan sa P5,000 financial assistance (Until now, we have not yet received the P1,000 per family promised to us in addition to the initial P5,000 financial assistance),” Espacio added.

DBM's list of DAP projects for the National Housing Authority.

DBM’s list of DAP projects for the National Housing Authority.

Conflicting, vague data on accomplishments

Citing data from the Quezon City government, the urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) said that majority, or 6,500 of the 10,000 families in North Triangle, were moved to off-city relocation sites in San Jose Del Monte, Bulacan and Rodriguez, Rizal.

The group further said that like the North Triangle residents, most informal settlers living in so-called “danger zones” in Metro Manila were moved to off-city relocation sites, and not to in-city MRBs that were supposedly funded by DAP.

In the July 14 DBM list, P10 Billion was released to the NHA for the “On-Site Development for Families Living in Dangerous Areas” in 2011. The description read, “The NHA will construct in-city medium-rise buildings to provide shelter for about 20,000 ISFs (informal settler families) living in dangerous zones in the NCR.” This lump sum is among the biggest items in the DAP.

Recently, Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas boasted that P10-B from the DAP has already been spent successfully in relocating informal settlers living in danger zones.

But his statement raised questions from the opposition party United Nationalist Alliance (UNA). Toby Tiangco, UNA secretary general, pointed out that the DILG may have also received DAP funds for housing, on top of the agency’s budget of P1.2-B for the same purpose. Tiangco claimed that Roxas, who many believe will be Liberal Party’s presidential bet in the 2016 elections, is using funds for informal settlers to boost his presidential bid.

According to the 2014 General Appropriations Act, the DILG, under “Special Provisions,” has a budget of P1,244,606,000 for the “Housing Program for ISFs Residing in Danger Areas Within Metro Manila.” Of this amount, P700 Million is for the Construction of Micro-Medium-Rise Buildings” and P544,606,000 is for an “Interim Shelter Fund for 40,000 Target Families.”

Uurban poor residents, meanwhile, do not believe that the Aquino administration has spent P10-B for their relocation and housing needs.

Imposibleng magastos ang P10-B para sa pabahay lamang ng mga maralita, lalo pa at kalakhan sa mga naipatayong pabahay ng gobyerno ay matatagpuan sa mga off-city relocation sites na substandard at tinipid ang pagpapatayo (It is impossible that the P10-B has been spent on housing for the poor, especially since the majority is in off-city relocation sites and are substandard or made with cheap materials),” said Gina Bola, spokesperson of Montalban Relocatees Alliance (MRA).

A DBM statement in December 2013 reveals that only 6,511 families living in danger zones in Metro Manila have been relocated since 2011, majority of these in “off-city relocation sites.” Funding for the relocation program “supported land acquisition and development, as well as provision of community facilities,” the DBM said.

The same statement announced the release of an additional P3.38-B—from “FY 2011 savings” and as part of its “P10-B allocation”—to the NHA to complete its housing program. This was on top of the P3.82-B it already released to the NHA in August of that year, which supposedly funded the construction of 12,291 housing units.

In the more detailed list of DAP projects released by the DBM on July 24, the day of DBM Sec. Floriencio Abad’s appearance at the Senate, it is this figure–12,291 housing units—that is claimed to be the actual output of the P10-B fund for informal settlers living in danger zones.

The list does not mention the P450-M that supposedly went for the housing of North Triangle residents, and instead mentions an additional 500 housing units under the general entry “Resettlement, Relocation and Housing Projects.”

But none of these figures by released the DBM corresponds with what President Aquino actually said.

In the statement released by the Office of the President on July 15, the day after Aquino’s nationally-televised speech on DAP, the President claimed that DAP funded the completion of 21,175 housing units for informal settlers. He also claimed that 700 housing units were constructed for North Triangle residents (also not mentioning where these units were).

Macky Macaspac/PW File Photo" class /> An urban poor community in an area the government considers "danger zone" in Metro Manila. <strong>Macky Macaspac/PW File Photo</strong>

An urban poor community in an area the government considers “danger zone” in Metro Manila. Macky Macaspac/PW File Photo

Acuzar: Aquino ally, housing developer

The MRA also pointed out that “aside from Aquino allies in the DILG and NHA who most likely benefited from the DAP funds for housing,” a large part of the funds went to a real estate developer also closely linked to Aquino—Gerry Acuzar, the brother-in-law of Executive Secretary Paquito Ochoa.

This assertion bears a closer look, with the DBM’s December 2013 statement that majority of the housing funds went to units constructed for off-city relocation sites, and not in-city MRBs as claimed in the agency’s July 14 DAP list.

Acuzar owns New San Jose Builders, Inc. (NSJB), the housing developer of Kasiglahan village in the Montalban relocation site. He is also rumored to own Goldenville Realty and Development Corp., the developer of Towerville in the San Jose del Monte relocation site.

The Montalban relocation site, which was supposedly constructed to remove informal settlers from “danger zones”, is located in a fault line and prone to flooding. Housing units were also found by residents to be substandard. Most recently, several houses had their roofs blown away during typhoon Glenda.

Sa katotohanan, wala ni anumang kaginhawaang natamo ang mga biktima ng demolisyon mula sa pondong ‘yan ni Aquino. Sa halip na mabigyang serbisyo ang mga maralita ay pinagkakakitaan pa kami ng gobyerno at ng kaalyado nilang mga negosyante (In reality, we did not benefit at all from Aquino’s funds. Instead of providing services to the poor, the government and their allied businessmen rake in profits in our name),” said Bola.

In Aquino’s upcoming State of the Nation Address, urban poor residents and relocatees will join thousands who are expected to protest in Commonwealth Avenue, Quezon City against what they call “worsening poverty and corruption” under the present administration.

PMC STATEMENT | House Bill 4807: An Intrusion on Press Freedom

$
0
0
Cameras laid down the ground in front of Batasan Pambansa as photojournalists' sign of protest against House Bill 4807. <strong>Kodao Productions</strong>

Cameras laid on the ground in front of Batasan Pambansa as photojournalists’ sign of protest against House Bill 4807. Kodao Productions

STATEMENT icon

We join photojournalists, photographers, videographers, filmmakers, and ordinary citizens who are appalled at the House of Representatives’ passage on second reading of House Bill 4807 or the Protection Against Personal Intrusion Act, also called as the “Anti-Selfie Act.”

Ludicrous as the moniker, or popular name, of the said bill may sound, it is actually an indicator of how overly broad and vague the provisions of HB 4807 are. The bill makes it unlawful “to capture, any type of visual image, sound recording, or other physical impression of any individual, personal or family activity for commercial purposes.” It is supposedly meant to protect an individual’s privacy by punishing those who use cameras and other recording devices to capture private moments, even if it is done on public property (or even if there is “no physical trespass” on private property).

HB 4807 is another repressive media law in-the-making, one that masquerades as being for the protection of individual privacy, but actually serves as a tool to inhibit freedom of expression and of the press. It has no place in a society that claims to be democratic, and especially in an age when digital information communication devices are now part of the everyday lives of citizens, and are being used as valuable tools for self-expression and active participation in society.

Like the Right to Reply Bill that came before it, and the Anti-Cybercrime Act that was treacherously passed by the president and Congress in 2012, HB 4807 criminalizes acts of expression and reportage. It is unnecessary and prone to abuse. It would create a “chilling effect” on media practitioners and ordinary citizens alike.

There is reason to believe that HB 4807 is motivated by the desire of corrupt public officials to shield themselves from the watchful eyes of the media and the public. These past two years, citizens especially have been very successful in exposing the extravagant lifestyles of individuals and public officials involved in the pork barrel scam. Photos of officials, including the president himself, with Janet Lim-Napoles in so-called private gatherings have surfaced. Are these the kinds of “intrusion to privacy” that our legislators are trying to prevent? We cannot help but think so.

Let the public be reminded that too many repressive media laws already exist–libel, including online libel, remains a criminal offense under the Revised Penal Code and the newly-passed Anti-Cybercrime Act. The killings of journalists remain unabated. Furthermore, the Aquino administration continues to twit and pressure the media, including citizen media, whenever it reports on issues and realities that challenge the government’s rhetorics on change and progress.

It is the citizens and the media who must protect themselves against such legislation that intrude onto our most cherished freedoms and rights. Junk HB 4807! Uphold freedom of expression and of the press! No to repressive media laws!

 

pmc2

*PMC is publisher of Pinoy Weekly and Pinoy Weekly Online

#RememberHaiyan | Kalatas mula sa mata ng sigwa

$
0
0

Yolanda commemoration coverage iconItinatambol sa midya at iba’t ibang espasyo ang “pagbangon” ng mga mamamayan ng Eastern Visayas isang taon matapos ang pagragasa rito ng bagyong Yolanda (pandaigdigang ngalan: Haiyan). Pero sa pamamagitan ng iba’t ibang misyon at programa ng mga organisasyong pangmasa sa Leyte, inalam ng Pinoy Weekly ang tunay na kalagayan ng mga nakaligtas sa bagyo. Katuwang ang iba’t ibang miyembro ng alternative media, sumama kami sa Women’s International Solidarity Mission (WISM), gayundin sa iba’t ibang aktibidad ng People Surge (tulad ng National Conference on Disaster Survivors) at iba pang organisasyon para gunitain ang isang taon ng kalamidad sa rehiyong ito. Ang napag-alaman namin: Hirap pa rin ang mayorya ng mga biktima. At galit sila, dahil sa pagpapabaya at pamumulitika, at sinabayan pa ng pananakot ng iba’t ibang antas ng gobyerno. Sa pamamagitan ng aming mga ulat, pakinggan natin sila. Ulat nina Kenneth Guda para sa Pinoy Weekly.


 

Tanaw ang Tacloban mula sa ibabaw ng nadistiyerong barko. <strong>KR Guda</strong>

Tanaw ang Tacloban mula sa ibabaw ng nadistiyerong barko. KR Guda

Tacloban City, Nobyembre 8. Maagang nagsimula ang mga magsasaka. Gumising sila bago lumabas ang araw. Nag-init ng tubig, nagluto ng kaunting mapagsasaluhan sa umaga. Ang iilang may naipong tubig, nagbuhos nang kaunti. Maaga ang simula ng araw, pero hindi para tumungo ng bukid. Nasa palibot sila ng Astrodome sa lungsod na ito.

Isang ecumenical mass ang isinagawa ng mga alagad ng simbahan, mula sa iba’t ibang simbahan. Matapos nito, martsa na. Tirik na ang araw, nakakalapnos ng balat ang sikat nito.

Tinatayang 20,000 katao ang sumama para sa martsa, mula sa iba’t ibang bahagi ng Samar at Leyte sila galing. Marami sa kanila, gumawa ng sariling plakard mula sa sako at anumang karton o papel na mayroon sila. Pero gumawa rin ng mga plakard ang People Surge. Kasamang nagmartsa ng mga biktima ng Yolanda ang humigit-kumulang 300 katao mula sa Mindanao–mga magsasaka, taong-simbahan, katutubo, kabataan at kababaihang karamiha’y mula rin sa mga lugar na nasalanta ng Sendong noong 2011, Pablo noong 2012, at Agaton nitong Enero 2014. Tulad ng mga biktima ng Yolanda, inirereklamo rin nila ang pagpapabaya sa kanila ng lokal at pambansang pamahalaan, mula sa rescue hanggang sa rehabilitasyon ng kanilang mga pananim at tirahan.

Mainit ang pagtanggap ng mga tao sa Tacloban sa martsa. Pinag-aagawan ang mga polyeto. Nakikisigaw ng “Noynoy Aquino, waray pulos, patalsikon!” Marami sa kanila, kinukuhanan ng larawan ang martsa. May mga iba na sumama talaga.

Nagliliyab na effigy ni Aquino sa pagtatapos ng kilos-protesta ng People Surge. <strong>KR Guda</strong>

Nagliliyab na effigy ni Aquino sa pagtatapos ng kilos-protesta ng People Surge. KR Guda

Mahaba ang martsa mula sa Astrodome patungo sa downtown ng lungsod. Pero di nalagas ang bilang ng mga nagmamartsa. Kapansin-pansin na di gaano kasingrami (tulad ng aasahan mo sa isang-taong paggunita sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan) ang midya na nagkokober. Marahil, nasa “opisyal” silang komemorasyon, ng lokal na pamahalaan. Sina Interior Sec. Mar Roxas, nasa Ormoc, Leyte. Noong nakaraang araw, nasa Guiuan, Samar si Aquino. Malinaw na iniwasan ng administrasyong Aquino ang Tacloban.

Ito’y dahil umaapaw ang galit ng mga taga-Tacloban sa administrasyon. Hindi maipagkakaila ang pagpapabaya nito sa unang mga araw at linggo matapos rumagasa si Yolanda. Malinaw ang pamumulitika nito sa lungsod na pinamumunuan ng alkalde na, sabi mismo ni Roxas, kalaban sa pulitika ng mga Aquino. Hanggang ngayon, nabitin sa mahigit 6,000 katao ang opisyal na bilang ng mga patay sa Yolanda. Ang usap-usapan sa Tacloban, baka umabot ng 20,000 ang totoong patay (May independiyenteng tantiya na aabot sa 18,000 ang nasawi noon.).

Mahaba ang programa ng People Surge sa downtown. Malinaw ang mensahe ng mga tao roon: bahagi ng paghahangad ng hustisya ang pagpapababa sa puwesto ni Pangulong Aquino. Sinunog nila ang effigy ni Aquino bilang isang bwitre na bumibiktima sa mga nasawi o nag-aagaw-buhay.

Matapos ang rali, tumungo ako sa isa sa mga barko sa Tacloban na inanod ng storm surge. Ito iyung isa sa mga barko na di pa “kinakahoy” (kinukuha ang mga bakal para maibenta) ng mga tao. Kuwento ng mga tagabantay ng barko, sa susunod na linggo’y sisimulan nang ibalik sa dagat ang barko. Kaya lang, may mga bahay at/o tent sa palibot nito na tinitirhan ng mga tao. Nangako ang may-ari ng barko na babayaran ang bawat bahay ng P5,000 hanggang P10,000 para umalis doon.

Katulad nila ang mga nakatira sa pansamantalang bunkhouses, na pinaaalis dahil may gagawing road-widening, o kaya iyung mga nakatira sa dineklara ng gobyerno na “no build” o “danger zones”. Kabilang sila sa mga mamamayang patuloy na nabibiktima, mahigit isang taon na ang nakararaan.

Natapos ang araw ng paggunita sa pagsindi ng kandila. Buong lungsod, sa tabi ng kanilang mga bahay, sa kalsada, may nakatirik na kandila. Hindi pa ito sapat sa bilang ng trahedyang naranasan at nararanasan ng mga mamamayan dito. (KG)


Nakaka-inspire ang martsa ng mga magsasaka mula sa Samar habang tumatawid sila sa San Juanico Bridge. <strong>KR Guda</strong>

Nakaka-inspire ang martsa ng mga magsasaka mula sa Samar habang tumatawid sila sa San Juanico Bridge. KR Guda

Tacloban City, Nobyembre 7. Dumating na sa lungsod ang marami sa mga mamamayang dadalo sa protesta. Sa umaga, isang fluvial parade ang naganap: sakay ng dose-dosenang mga bangkang pangisda, dumating ang mga mangingisda at iba pang kasamahan nila mula sa Basey, Samar. Kakaiba ang eksena ng pagdating ng mga bangka na may watawat ng People Surge, paparating sa tabi ng UP Tacloban.

Pagsapit ng hapon, protesta na ang eksena. Matapos ang maikling piket sa DSWD, libu-libo silang nagmartsa patungo sa malapit na gusali ng Kapitolyo, tanggapan ni Gov. Dominic Petilla ng Liberal Party. Siya, siyempre ang kapatid ni Energy Sec. Jericho Petilla na minsan nang nangako na magbibitiw sa puwesto kung di pa magkakakuryente sa Leyte pagsapit ng Pasko noong nakaraang taon. Sabi ng maraming residente ng iba’t ibang bayan na napuntahan namin, mga Abril na nagkakuryente sa kanila. Si Jericho, nasa puwesto pa rin.

Panawagang pagpapatalsik na kay Aquino ang bitbit ng libu-libong miyembro ng People Surge. Agad-agad na nagsara ng opisina ang Kapitolyo. Parang natakot ang mga empleyado. Pinagkakatok nila ang mga pintuan. “Hindi po simbahan iyan. Pag-aari iyan ng mga mamamayan!” sabi ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), sa mikropono. Iniulat sa midya na tinangka ng mga raliyista na pasukin ang pinto–pero wala naman akong nakitang ganun. Kaunting tulak at katok, at umalis din sila. Masyadong mabait ang mga raliyista.

Highlight ng araw, para sa akin, ang martsa ng libu-libong magsasaka at iba pang sektor mula sa bahaging Samar ng San Juanico Bridge patungong Leyte. Papagabi na, at sinimulan na nilang gamitin ang mga sulo. Halos masaklaw nila ang buong kahabaan ng pinakamahabang tulay sa buong bansa. Nakaka-inspire ang eksena ng martsa.

Isang solidarity night ang ginanap sa harap ng Astrodome sa Tacloban City, na siyang naging evacuation center ng maraming residente ng lungsod matapos ang bagyo noong nakaraang taon. Ngayong taon, nandoon uli sila. Pero hindi na bilang mga biktima. Nandoon sila para magprotesta, maningil. Magtutuos bukas. (KG)


Mula sa malayo, nakatuntong sa lupaing dating palayan na nilason ng black sand mining, tinatanaw ni Jesus Cavias ang nagpapatuloy na operasyon ng pagmimina doon. <strong>KR Guda</strong>

Mula sa malayo, nakatuntong sa lupaing dating palayan na nilason ng black sand mining, tinatanaw ni Jesus Cavias ang nagpapatuloy na operasyon ng pagmimina doon. KR Guda

MacArthur, Leyte, Nobyembre 6. Hindi na nila mapagtamnan. Mahigit isang ektarya ng lupang dating mataba at napapakinabangan ng maraming pamilya sa bayan na ito ang mistulang wasteland. Ang lupang dating pinagtatamnan ng palay, napaiibabawan na ng buhangin na di matamnan. Dahil ito sa operasyon ng black-sand mining ng Strong Built Development Mining Corp. at Leyte Iron Sand Mining Corp., ayon kay Jesus “Jun” Cavias, lider-magsasaka ng lugar. Mula nang magsagawa ng operasyon ang nasabing mga kompanya sa lugar, umagos na mula sa lugar ng minahan ang langis na lumason sa kanilang lupain, ani Jun.

Kasama ang isang delegasyon ng kababaihang Biyetnames at iba pang delegado ng WISM, pinuntahan namin ang lugar ng pagmimina. Hindi kami pinapasok ng armadong mga seguridad. Ayon kay Jun, mas naging bulnerable ang mga magsasaka sa pagdating ng bagyong Yolanda: wala nang kabuhayan dahil nawalan ng lupang sinasaka, ibayong gutom ang inabot nila matapos ang bagyo. (KG)


Di maiwasang maluha ni Mang Leodegardio ng Brgy. Hiraam, Carigara, Leyte sa patuloy na dinaranas ng kanyang pamilya isang taon matapos ang Yolanda. <strong>KR Guda</strong>

Di maiwasang maluha ni Mang Roque ng Brgy. Hiraam, Carigara, Leyte sa patuloy na dinaranas ng kanyang pamilya isang taon matapos ang Yolanda. KR Guda

Carigara, Leyte, Nobyembre 5. Patuloy ang pagtangis. Parang kahapon lang nangyari ang Yolanda. Sariwang-sariwa pa. Sabi nga ng isang kasamahan naming psychologist, parang di pa naproseso sa kanila ang trauma. Mas traumatic na hanggang ngayon, isang taon matapos ang bagyo, ramdam pa rin nila ang paghihirap. Si Mang Roque, palabiro nung una. Nakasuot ng aviator shades. Pero naluha siya nang kinuwento ang kalagayan nila.

Pito ang anak niya. Wala na ang mga lubi (niyog). Wala siyang puhunan, at di nakakarating ang iilang pondo na naipapamahagi ng international NGOs. Matindi rin ang hinanakit niya na napupulitika pa ang limitado na ngang tulong na nabibigay ng I-NGOs. Iyung mga grupong dumidiretso sa mga tao (di nagpapaabiso sa munisipyo at barangay), pinupuntahan ng mga tauhan. Nananakot. Sabi ng isang taga-munisipyo sa isang NGO worker: “Kaya kitang barilin dito.”

Tagarito si Jefferson Custodio. Tumulong siya para makakuha ng farm tools mula sa isang NGO ng Hapon ang mga kapwa magbubukid. Isang hapon noongAgosto 23, pinagbabaril siya ng ilang armado. Patay agad si Jefferson. Mahigit isanlibo ang dumalo sa funeral march ni Jefferson sa bulubunduking bahagi ng Carigara. Ang maraming residente, ngayon lang nakakita ng rali sa bundok. “Kung sino pa ang tumutulong, siya pa ang pinatay,” sabi ng isang residente.

Hinala ng People Surge, may kinalaman ang 19th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pagkamatay niya. Minamanmanan na umano siya ng mga ahente nito bago siya namatay. Miyembro si Jefferson ng Municipal Farmers Association in Carigara (Mufac), organisasyon ng mga magsasaka. Sabi ng militar, iyung mga Mufac, mga rebelde sila. Pero kuwento naman ng mga magsasaka, ang tanging sandata nila ay itak–na bigay ng isang NGO para sa kanilang pagsasaka.

Sa pulong bayan na inilunsad ng WISM sa isang lugar doon, luhaang kinukuwento ng isang nanay: Benepisyaryo siya ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Ito iyung poverty alleviation program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa maliit na perang binibigay ng 4Ps umaasa si nanay para sa pagpapaaral sa anak. Pero isang opisyal ng DSWD sa munisipyo ang nagsabi sa kanya: Kapag sumali ka sa mga rali ng People Surge, tatanggalin ka sa listahan ng 4Ps. “Paano ko mapapag-aral ang mga anak ko? Wala nang trabaho ang asawa ko (matapos ang Yolanda),” luhaan niyang kinuwento.

Militarisado ang Carigara. Sa maraming barangay, sa barangay hall na tumatambay ang mga militar. Pero matapang ang mga tao. (KG)


Isa sa daan-daang krus sa isang mass grave sa Brgy. San Joaquin, Palo, Leyte. <strong>KR Guda</strong>

Isa sa daan-daang krus sa isang mass grave sa Brgy. San Joaquin, Palo, Leyte. KR Guda

Brgy. San Joaquin, Palo, Leyte, Nobyembre 4. Mababaw ang luha nila. Tuwing pinapaalala sa kanila ang karanasan nila noong nakaraang taon, di maiwasang maluha. Si lola na nagtitinda ng barbecue sa San Joaquin, kumapit sa dingding sa tabi ng bahay nila, habang inanod ang maraming kapitbahay nila, pati lahat ng gamit na naipundar ng kanyang pamilya.

Siyempre, hindi lang yun ang dahilan kung bakit naiiyak siya tuwing naalala niya yun. “Wala kaming makain pagkatapos. May mga araw na talagang wala,” alala ni lola. Sa isang focused group discussion ng mga delegado ng WISM, naiiyak ang mga nanay. Kapag naiyak ang isa, tiyak, maiiyak ang iba. Pati kaming nakikinig lang, naluluha. Suma total, halos 400 katao ang namatay, sa barangay lang na iyun.

Sa simbahan ng San Joaquin, isang mass grave ang matatagpuan. Naka-tarpaulin ang ibang pangalan ng mga nasawi. Pero ang karamihan, nakasulat ang pangalan sa krus. Nag-alay ang mga kaanak ng bulaklak at kandila. Nagmisa ang pari. Dumidilim na, at wala pa ring kaliwanagan kung bakit naganap ito. At bakit, pagkatapos na ngang masawi ang marami sa kanila, wala pa rin silang naramdamang tulong mula sa gobyerno. (KG)


Jennine Ventura (kaliwa) ng Gabriela New York, kasama si Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, sa presscon ng WISM at People Surge, Nob. 4. <strong>PW Photo</strong>

Jennine Ventura (kaliwa) ng Gabriela New York, kasama si Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, sa presscon ng WISM at People Surge, Nob. 4. PW Photo

Tacloban City, Nobyembre 3. Tanghali na nang nakarating ang Pinoy Weekly sa lungsod na ito. Apat na oras kaming bumiyahe mula paliparan ng Calbayog City patungong Tacloban. Sa pagsikat ng araw, bumungad ang imahen ng Samar at Leyte, isang taon matapos ang bagyong Yolanda: maraming istruktura na sa tabing-kalsada. Pero mas marami pa ang sira, nakatiwangwang at naghihintay ng muling pagsasaayos.

Marissa Cabaljao ng People Surge <strong>KR Guda</strong>

Marissa Cabaljao ng People Surge KR Guda

Gabi, sa kalsada ng Tacloban. Kinuwento sa amin ng ilang residente ng lungsod ang tila pagdami ng bilang ng kababaihang natutulak sa prostitusyon matapos ang bagyo. Ito ang isa sa mga gustong siyasatin ng WISM. Nakiusyoso kami. Sa harap ng isang lodge sa kalsada ng Tacloban, sandaling tumayo, kasama ang isang lalaking estudyante. Di nagtagal, may lumapit. Galing siya sa isang traysikel na naka-park sa harap ng lodge. Ito ang usapan namin:

Lalaki: Gusto ninyo ng babae, ng girlfriend?
Kami: Bakit? Meron ba?
Lalaki: Meron. Ayun o (itinuro ang babae na nakaupo sa sidewalk). Isang libo. Tapos tsek-in kayo diyan sa lodge. P175 tatlong oras.
Kami: Ah ganun? Sige babalik na lang kami.

Siyempre, hindi na kami bumalik. Sa sunod na kanto ng kalsada matatagpuan ang isang pribadong kolehiyo. Kuwento ng kasama kong estudyanteng lalaki, marami sa mga natutulak sa prostitusyon ay mga estudyante sa kolehiyong iyun. Mahal ang tuition doon, aabot ng P30,000 kada semestre. Kung bumagsak ang kabuhayan ng pamilya at gusto pa ring mag-aral ng isang babaing estudyante roon, maaaring matulak siya sa prostitusyon. (KG)

#HLMX | Hacienda Luisita: Senaryo ng Lagim

$
0
0
Duguan si Jesus Laza matapos ang pagpapaputok ng mga pulis at militar sa piketlayn ng mga manggagawang bukid ng asyenda, Nobyembre 16, 2004. Video grab mula sa "Sa Ngalan ng Tubo"

Duguan si Jesus Laza matapos ang pagpapaputok ng mga pulis at militar sa piketlayn ng mga manggagawang bukid ng asyenda, Nobyembre 16, 2004. Video grab mula sa “Sa Ngalan ng Tubo”

EDITOR’S NOTE: Ang artikulong ito ay lumabas sa print issue ng Pinoy Weekly noong Nobyembre 24-30, 2004 isyu nito, o mahigit isang linggo matapos ang malagim na masaker sa Hacienda Luisita. Muling inilalathala ng PW ito para sariwain ang nangyari noon sa asyendang inaangkin ng pamilya ni Pangulong Aquino. Si Aquino ang tumayong tagapagsalita ng pamilyang Cojuangco-Aquino noong naganap ang masaker, Nobyembre 16, 2004.

HLM-X3:12 ng hapon, ika-16 ng Nobyembre: nagsimulang basain ng tubig mula sa fire trucks ng dispersal teams ng Philippine National Police at 69th at 703rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang hanay ng mga nagwewelgang manggagawa at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita.

Mula sa loob ng Gate One ng Central Azucarera de Tarlac nakapuwesto ang fire trucks ng nagpasabog ng tubig na ayon sa mga welgista ay “mabaho, parang may sosa at hinaluan ng pinagtabasan ng bakal”. Ngunit tulad ng nakaraang mga tangkang dispersal (noong Nobyembre 6 at 8), hindi natinag ang mga welgista.

Pumwesto ang dalawang armoured personnel carriers (APC) at 14 trak ng mga sundalo at pulis sa loob ng bakod ng pabrika. Sinimulan din ang pag-itsa ng mga kanister ng teargas sa tangkang paalisin ang mga nakabarikadang miyembro ng United Luisita Workers Union (ULWU) at Central Azucarera de Tarlac Labor Union (Catlu) sa Gate One.

Bato lang ang sandata

Sandaling umatras ang mga welgista sa bawat pagbagsak ng kanister. Ngunit agad naman silang babalik sa hanay paglaho ng usok. Kuwento ni Danilo Garcia, 42, welgistang miyembro ng ULWU, sa dami ng initsang kanister ay napag-isipan ng ilan na iitsa naman ito sa mga pulis sa loob ng gate. Ang ginawa ng iba, tinakpan ng basang tela ang umuusok na kanister at pagkatapos ay binato sa mga pulis.

Ang ilan naman sa mga welgista, aniya, ay dumating nang handa matapos ang nakaraang marahas na mga dispersal. May baon nang tirador at malalaking bato ang ilan na magsisilbing armas nila kung sakaling muling gamitan sila ng dahas ng dispersal teams.

Ayon sa mga kuwento ng mga welgista, pinaulanan ng bato ng ilan nilang kasamahan ang APC at fire truck na nakapuwesto sa harap ng Gate One. Katunayan, halos mawasak ang bubong ng guard house ng Gate One dahil sa malalaking batong inihagis dito. Samantala, sa kapikunan, nakipagbatuhan na rin ang ilang pulis sa mga welgista. Marami rin ang tinamaan, kabilang na ang cameraman ng ABS-CBN na si Paul Viray, na nasapul sa mukha at kailangang itakbo sa ospital.

Di nagtagal nang simulang tangkain ng APC na buwagin ang barikada sa harap ng Gate One. Sinira nito ang kaliwang bahagi ng bakod at sinimulang sagasaan ang itinayong barikada. Muli, inulan ng bato ang APC, na umatras naman papasok ng bakod. Tatlong beses umatras at umabante ang APC, hindi makaabante sa matinding pagbabato ng mga welgista.

Kuwento ng mga saksi, nagsipagtakbuhan ang ilang welgista papasok sa nasirang bakod matapos huling umatras ang APC. Gamit ang bato at tirador, masayang sinugod ng mga ito ang hanay ng mga pulis na nagtatago sa malalaking shield.

Pagsapit ng 3:51 ng hapon, tila nagtatagumpay na ang mga welgista na ipagtanggol ang kanilang barikada. Tulad ng nangyari noong Nobyembre 8, matagumpay na napaatras ng mga welgista ang mga pulis.

Ngunit matapos nito ay nangyari ang lubos na kinatatakutan ng mga welgista.

Infographic ng masaker sa Hacienda Luisita na lumabas sa PW, Nob. 24-30, 2004. Dibuho ni <strong>Allan Nam-ay</strong>

Infographic ng masaker sa Hacienda Luisita na lumabas sa PW, Nob. 24-30, 2004. Dibuho ni Allan Nam-ay

Alingawngaw ng mga bala

“Nakita kong nakaposisyon sa puno ng akasya, sa likod ng gasolinahan, ang snipers,” kuwento ni Garcia. Nang magsimula ang putukan, nakapuwesto siya sa gitna mismo ng hanay ng mga welgista. Dumapa ang ilan pagkarinig ng unang putok. Ngunit sa pag-aakalang blank bullets lang ang gamit ng snipers, sumigaw umano si Garcia sa mga kasama niya na huwag umatras.

Isa sa mga nakita ni Garcia na nakadapa nang magsimula ang putukan ay si Jesus Laza, taga-Brgy. Parang ng asyenda. “Nang mapansin kong kumakaway sa akin na parang humihingi ng tulong, nilapitan ko siya,” sabi ni Garcia. Nadatnan niyang duguan si Laza. Kasama ang isa pang welgista, naglakas-loob silang buhatin si Laza palayo sa putukan para isakay sa traysikel.

Kuwento pa ni Garcia, habang tinutulungan niya si Laza ay nakita rin niyang may tama sa leeg si Jaime Pastidio, na kabarangay niya sa Brgy. Motrico. Tinangka niyang lapitan rin si Pastidio ngunit hindi niya ito nalapitan dahil umulan ng bala sa pagitan nila.

Nakita ni Garcia na tinutulungan din si Pastidio ng isa pang welgista na kabarangay nila, si Jose Pascual, 34, ng Motrico. Binuhat din ni Pascual si Pastidio na may tama ng bala na pumasok sa kanang panga at lumabas sa kanang leeg. Tulad ni Garcia, dinala rin ni Pascual si Pastidio sa traysikel para itakbo sa St. Martin de Porres Hospital sa loob ng asyenda.

Sabi ni Garcia at Pascual na wala silang nadatnang baril sa dalawang tinamaang kapwa welgista—kaiba sa ibinibintang ng pulisya at manedsment ng asyenda.

Samantala, nasa loob ng bakod ang ilang welgista nang magsimula ang putukan. Ayon sa ilang saksi, nakita nilang tinamaan sa binti si Jhaivie Basilio, 20, mula sa Brgy. Mapalacsiao na tagalinis ng tubo sa pabrika. Sa kalituhan, nagtago ang sugatang si Basilio sa gilid ng fire truck. Doon umano siya natagpuan ng ilang sundalo at kinaladkad papasok. Sumunod pang araw, nakita umano ang bankay ni Basilio, puno ng pasa at may tama ng bala sa dibdib maliban pa sa tama niya sa binti.

Nasa loob naman ng bakod si Jessie Valdez, 30, miyembro ng ULWU at taga-Brgy. Balite. Sa tapat ng estasyon ng gasolina kung saan nakapuwesto sa likod ang snipers, tumakbo si Valdez at iba pa. Inakyat nila ang bakod nang tamaan siya ng bala sa kanang hita. Sa sinumpaang salaysay ng nakasaksing si Dodi Flores, 13, na taga- Brgy. Balite, sinabi niyang matapos bumagsak sa lupa si Valdez ay pinaghahampas ito ng armalayt at kinaladkad ng mga sundalo papasok. Ayon kay Andres Valdez, ama ni Jessie, nakita niya ang bangkay ng anak na may pasa sa magkabilang baiwang, katulad ng inilahad ni Flores.

Sa gitna ng putukan

Batay naman sa mga saksi, nasa gitna ng putukan nang sagasaan ng APC si Juancho Sanchez, 20, ng Brgy. Balite. Tagasuporta lang ng welga si Sanchez, na anak ng isang pastor na dating manggagawang bukid sa asyenda. Nagdadala lamang umano ng tubig si Sanchez para sa mga welgista na naghuhugas ng mata dahil sa teargas.

Kabilang din sa mga walang kalaban-labang tinamaan sa putukan at namatay sa iba’t ibang ospital sina Jun David at Adriano Caballero Jr.

Lahat ng nakaligtas sa putukan ay nagsipagtakbuhan sa karatig na mga barangay, tulad ng Texas at Balete. Ayon pa sa ilan, maaaring may mga nagtago pang sugatan sa mga tubuhan na nakita ng mga sundalo at ipinasok sa bakod. Nagsagawa kasi ng pagsosona ang mga sundalo sa gabi para lipulin ang mga suspetsadong welgista at ikulong. Ayon kay Rene Galang, pangulo ng ULWU, karamihan sa mga nahuli (103 sa 111 na nahuli) ay mga sakada, tagasuporta sa welga o drayber ng mga trak ng asyenda, hindi mismong mga welgista na nagsitago na matapos ang masaker.

Sabi pa ni Galang, hindi kukulang sa 116 katao noong gabing iyon ang binugbog, hinuli at ikinulong sa Kampo Macabulos at Kampo Aquino na Northern Luzon Command Headquarters sa Tarlac City.

Samantala, sa sertipikasyon ng punerarya na nag-ayos sa labi nina David, Laza at Sanchez, sinabi ni Fortunato Castro Jr., operations manager ng Arceo’s Memorial & Funeral Services, na walang ginawang paraffin test ang sinumang pulis o militar sa tatlong bangkay. Gayundin din ang sabi ng kaanak ng iba pang biktima na nakasaksi sa autopsy at pag-aayos sa punerarya.

Pinatay na sakada

Kumpirmado naman ng maraming saksi ang pagkamatay ng di-kilalang mag-ama. Isang sakada (panahunang manggagawang bukid sa tubuhan) mula sa Negros ang ama na tulad ng ibang sakada ay nakatira sa kubol malapit sa lugar ng welga. Namatay sa asphyxiation (hindi makahinga) ang isang sanggol ng naturang sakada dahil sa usok ng teargas na nakapasok sa kubol.

Ayon sa mga saksi, nakita nilang sumugod sa galit ang ama ng sundalo matapos matagpuang patay ang kanyang anak. Pinagraratrat siya ng bala ng snipers.

Sa kasamaang palad, hindi pa matagpuan ang bangkay ng nasawing sakada at ang kanyang sanggol. Haka-haka ng ilang tagaroon na ipinasok ng mga sundalo sa loob ng bakod ang katawan ng dalawang nasawi. (Hindi ito makumpirma.) Hanggang ngayon, hindi pa rin matagpuan ang lokal na mga kontraktor na namagitan sa pagkuha ng Azucarera ng mga sakada mula sa Negros.

Hanggang sa huling ulat, aabot mula 10 hanggang 16 pang welgista ang nawawala ang hinahanap ng mga kaanak. Nangangamba ang mga kaanak na kabilang ang mga nawawala sa mga sugatang kinaladkad umano ng mga sundalo papasok ng Azucarera. Dalawang magkahiwalay na saksi naman ang nagsabi na may kakilala silang manggagawa sa Azucarera na inamin sa kanila na may sampung katao (hindi alam kung patay o buhay) na “ginatong sa kugon” ng pabirka noong gabi ng ika-16 ng Nobyembre.

Kung totoo ito, maaaring sinunog ng mga “berdugo” ang mga bangkay para hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga kilalang napaslang.

(Basahin: Sampung taon ng inhustisya, sampung taon ng paglaban)

Panoorin sa ibaba: Bidyo-dokumentaryong “Sa Ngalan ng Tubo” ng Eiler, Tudla Productions, POKUS Gitnang Luzon at Mayday Multimedia

Larawan | Mamamayan ng Mindanao nangangalampag sa Maynila

$
0
0
Salubong
Nagsalubungan ang mga pambansang lider-progresibo tulad ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Luz Ilagan at mga pinuno rin ng Manilakbayan ng Mindanao, na mahigit isang linggo nang bumibiyahe mula Mindanao. Macky Macaspac
S.O.S.
Pagtatanghal ng mga batang Lumad para ipanawagan ang pagsagip sa kanilang mga eskuwelahan na kinahampuhan ng mga militar sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Macky Macaspac
'Tunay na kapayapaan'
Sa harap ng tanggapan ng malalaking kompanya ng mina, nanawagan ang mga batang kalahok sa Manilakbayan at Save Our Schools (SOS) Network ng "tunay na kapayapaan" sa Mindanao. Kontribusyon
Ritwal
Nagsagawa ng ritwal na pag-alay ng manok at babuy-ramo ang mga Lumad pagtapak sa Mendiola, Manila para anila'y itaboy ang "masasamang espiritu." Boy Bagwis
Kontra masasamang espiritu
Ritwal na pag-alay ng babuy-ramo para itaboy ang 'masasamang espiritu'. Macky Macaspac
Kinatay
Macky Macaspac
Dugo sa patalim
Ipinakita ng isang katutubong lider ang patalim niyang may dugo ng baboy na inialay sa ritwal. Boy Bagwis
Katutubong kababaihan
KR Guda
Laban sa karahasan sa kababaihan
Nakilahok ang ilang Lumad sa pagsayaw ng One Billion Rising sa Maynila bilang pahayag ng pagtutol sa karahasan sa kababaihan. KR Guda
Kawalang-hustisya
Nagpiket din ang mga "Manilakbayani" sa Department of Justice para ihayag ang pagtutol sa pagsampa ng mga kaso laban sa progresibong mga lider tulad ni Genasque Enriquez. Karapatan photo/Contribution
Kontra-militarisasyon
Noong Nob. 26, nagpiket ang mga Lumad at mamamayan ng Mindanao sa harap ng General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines para kondenahin umano ang pananakop at pang-aabuso ng mga yunit ng militar sa kanilang mga komunidad. Arkibong Bayan
Kalampag sa US embassy
Kabilang sa mga panawagan ng mga katutubo ang pag-alis ng mga tropang Amerikano, na umano'y sumasama sa mga operasyong militar ng AFP sa kanilang mga komunidad. Naggiit silang makalapit sa embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd. Elijah Rosales
Lumad sa Maynila
Isang katutubong Lumad habang nagdadaan ang martsa sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila. Elijah Rosales
Kontra-pandarambong
Tutol ang mga Lumad sa pagmimina at iba pang proyektong nandarambong ng likas yaman sa kanilang katutubong lupain. Elijah Rosales

Pagkai’t kapayapaan.

Ito ang simpleng hiling ng mga mamamayan ng Mindanao na kinatawan ng mahigit 300 Lumad at iba pang kalahok sa Manilakbayan ng Mindanao. Naglakbay sila mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao patungong Kamaynilaan para isapubliko ang kalagayan ng libu-libong mamamayan na napapasailalim sa teror ng iba’t ibang yunit ng militar. Target din ang kanilang mga lupain ng agresyon ng iba’t ibang malalaking kompanya ng mina at agricorporations.

Tinatayang may 55 combat battalions na nakapakat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao. Ibig sabihin, halos 60 porsiyento ng mga puwersa nito ay nakatutok sa mga lugar sa isla na ayon dito’y may malakas na presensiya ng paglaban ng New People’s Army. Pero ayon sa maraming grupong pangkarapatang pantao at katutubo, ang nabibiktima ng mga operasyong militar ay kalimitang ordinaryong mga mamamayan–sibilyang mga komunidad na lumalaban sa agresyon, pananakop at panunupil.

Sa taong 2014 lang, may 12 nang insidente ng paglikas ng mga komunidad ng Lumad sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Dahil ito sa pananakop ng militar sa kanilang mga komunidad. Nakaapekto ito sa 1,112 pamilya o 4,736 katao. Naging pang-araw-araw na pangyayari na ang mga pagbomba, shelling at pamamaril sa mga bahay at bukid na nagdulot ng paglikas o, mas masahol, pagkamatay ng maraming inosenteng sibilyan.

Kasabay nito, laganap ang pagsampa ng “gaw-gawang mga kaso” laban sa progresibong mga lider sa Mindanao. Kasama na rito ang lider-Manobo mula sa Surigao del Sur na si Genasque Enriquez, na nanguna sa Manilakbayan noong 2012.

Nasa Maynila sila, ayon sa mga lider ng Manilakbayan ngayon, para malaman ng mas maraming bilang ng mga mamamayan ng bansa ang nangyayari ngayon sa Mindanao.

10 istoryang pinalampas ng midya sa 2014

$
0
0

PW-underreported stories

Habang nagaganap ang landslides, pagbaha at pagragasa ng bagyong Seniang sa Visayas at Mindanao na kinasawi ng di-bababa sa 50 katao, abala ang midya sa kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ito na marahil ang pinakamalinaw na halimbawa ng tagibang na prayoridad, kapwa ng mainstream media coverage at ng mismong gobyerno.

Taun-taon, nililista ng Pinoy Weekly ang sampu sa pinakamalalaking istorya o kaganapan na may pinakamalaking impact sa ordinaryong mga mamamayan. Pero, sa ano mang dahilan, hindi ito nabibigyan ng karampatang atensiyon ng malalaking media networks. Narito ang sampu (mas marami pa, tiyak, ang mahahalagang istoryang di nailabas) na naitala ng PW. Walang partikular na pagkakasunud-sunod ang listahan.

underreported 2014 (2)1. Manilakbayan at malawakang paglabag ng karapatang pantao sa Mindanao. Libong kilometro ang nilakbay ng mahigit 300 katutubo, magsasaka at iba pa, para iparating sa gobyerno at publiko ang kanilang mga isyu. Halos 60 porsiyento ng puwersang militar ng gobyerno ang nakatutok sa Mindanao, para diumano’y labanan ang insurhensiya sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Pero mayorya ng mga napupuruhan nito’y ordinaryong mga sibilyan at kanilang mga komunidad. Nahaharap ang Mindanao sa malawakang pagsasamantala ng likas-yaman dahil sa pagpasok ng dayuhan at malalaking kompanya ng pagmimina at malawakang pagtotroso. Lumalaban ang mga komunidad ng mga katutubo at magsasaka. Sa kabila nito, panaka-naka ang pagbabalita sa malalaking midya hinggil sa kanilang mga isyu. Kahit pagkatuntong ng mga Manilakbayani sa Maynila, tila mailap pa rin ang midya: nababalita ang kanilang militanteng paggiit sa harap ng US Embassy at Times Street, pero di madalas na mabanggit ang mga isyung ipinaglalaban nila.

underreported 2014 (3)2. Kawalan ng paghahanda ng gobyerno, hindi lang sa pagdating ng bagyong Yolanda, kundi sa Glenda, Ruby at Seniang. Hindi pa man nakakabangon ang mga mamamayan ng Eastern Visayas (kahit nga ang mga magsasaka sa Mindanao na nasalanta ng bagyong Pablo noong 2012), sunud-sunod ang mga bagyong dumaan sa rehiyon nitong 2014. Sa kaso ng Glenda at Ruby, ipinagmalaki ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng midya na maliit diumano ang casualties. Matapos ang pagkakalantad sa mundo ng kawalan ng paghahanda ng administrasyon sa pagdating ng Yolanda noong Nobyembre 2013, siniguro nitong nakapagpakitang-gilas ito sa pagdating ng Glenda at Ruby. Pero malayo sa lakas ng Yolanda ang sumunod na bagyo, libu-libo pa rin ang apektado, at marami pa rin ang nasawi. Walang planong rehabilitasyon sa mga biktima ng Glenda at Ruby. Muling nasaksihan ito sa pagragasa kamakailan ng bagyong Seniang: Walang sapat na kaalaman ang lokal na gobyerno sa Eastern Visayas at Mindanao; di-bababa sa 50 ang nasawi at libu-libong magsasaka ang lalong lugmok sa hirap dahil sa pagkasira ng kanilang mga pananim.

underreported 2014 (4)3. Mga Pinoy na naipit sa giyera sa Libya at Syria. Tulad ng maraming sigalot sa daigdig, isa sa pinakabulnerableng sektor sa mga bansang Libya at Syria (na nakakaranas ngayon ng giyerang sibil) ang migranteng mga manggagawa rito. Sa Libya, kung saan sumiklab ang isang giyerang sibil matapos mapabagsak ng mga rebeldeng suportado ng US ang gobyerno ni Muammar Gaddafi, aabot sa 13,000 Pilipinong migrante ang nalagay sa panganib. Sa kabila nito, panaka-naka ang pagdating ng mga barkong inareglo ng gobyerno para sagipin ang mga Pilipino sa lugar kung saan maiinit ang labanan. Ayon sa mga grupong migrante, hirap din silang makabiyahe patungo sa mga embahada at mga pinagdaungan ng mga nanundong barko. Mayorya rin ng mga Pilipinong nagtatrabaho ay pinili na lang na manatili dahil walang kaseguruhang mabibigyan sila ng kabuhayan kung uuwi.

underreported 2014 (5)4. Paglala ng karahasan sa kababaihan, lalo na iyong mga militar o pulis ang salarin. Nalarma at galit ang mga grupong pangkakababaihan sa dumadaming kaso ng karahasan sa kababaihan nitong huling taon. Sinabi ng Gabriela na bukod sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng panggagahasa, parami nang parami ang nabibiktimang mga menor-de-edad. Pero ang pinakamalupit, ayon sa Gabriela, tila tumataas din ang bilang ng kababaihan at mga batang nabibiktima ng tinaguriang “persons of authority”, o iyung mga nasa kapangyarihan o posisyon. Kasama rito ang mga militar at pulis. Sa datos ng grupo, mula 2010 hanggang ikatlong kuwarto ng 2014, nakapagtala ng 42 kaso na mga alagad ng PNP ang salarin, 20 ang Armed Forces of the Philippines (AFP), 14 ang mga opisyal ng local government units, 13 naman ang mga pulitiko, 9 ang tropang Amerikano at dalawa ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

underreported 2014 (6)5. Pambobomba at mga pang-aabuso ng militar sa Lacub, Abra. Nanghuli ng mga sibilyan at ginamit silang human shields sa labanan sa mga rebelde. Pagkatapos, nang may mahuling mga miyembro ng New People’s Army, pinahirapan ang mga ito at pinagpapatay. Ito ang nagpag-alaman ng independiyenteng mga imbestigasyon hinggil sa mga operasyong militar sa liblib na kabundukan ng Lacub, Abra noong unang linggo ng Setyembre 2014. Ayon dito, 24 sibilyan ang ginawang human shield ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army. Nasawi sa mga sibilyan sina Noel Viste at Engr. Fidella Salvador, isang istap ng Center for Development Programs in the Cordillera (CPDC) at Cordillera Disaster Response and Development Services (CorDis-RDS). Samantala, pitong miyembro ng NPA ang tinortyur bago paslangin. Kasama rito si Arnold Jaramillo, na sinasabi ng militar na namumunong lider-gerilya sa lugar, at Recca Noelle Monte. Batay sa autopsy report ng dalawang bangkay, napag-alamang pinahirapan sila bago paslangin. Sa kabila ng malupit na mga paglabag sa rules of engagement ng militar at sa mga kasunduan at batas pangkarapatang pantao, hindi nabibigyan ng sapat na espasyo sa midya ang mga kasong ito sa Lacub, Abra.

underreported 2014 (7)6. Laban para sa National Minimum Wage at/o dagdag-na-sahod ng mga manggagawa at kawani ng gobyerno. Inilunsad ng Kilusang Mayo Uno, Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), Alliance of Health Workers (AHW), Alliance of Concerned Teachers (ACT), at iba pang grupo ng mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor nitong Nobyembre ang kampanya para sa pambansang minimum na sahod. Napapanahon na umano ito, dahil nararanasan ng lahat ng mga manggagawa ang pagtindi ng krisis at taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo, habang nananatiling nakapako ang kanilang mga sahod. Aabot sa P16,000 ang itinutulak nilang National Minimum Wage. Samantala, ikinakampanya din ng ACT ang taas-suweldo ng mga guro sa P25,000 mula P18,549 at para naman sa mga kawani na P15,000 mula P9,000.

underreported 2014 (8)7. Kawalan ng hustisya sa Hacienda Luisita. Sampung taon na mula nang maganap ang masaker ng pamilyang Cojuangco-Aquino, pulis at militar sa nagwewelgang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita. Wala pa ring napaparusahan sa itinuturong mga salarin, kabilang ang pamilyang Cojuangco-Aquino, pamilya ni Pangulong Aquino, at mga opisyal ng militar at pulisya. Samantala, nagtagumpay man sa Korte Suprema ang mga magsasaka para mabawi ang lupang dapat kanila, patuloy na hinaharangan ng mga Cojuangco-Aquino, sa tulong ng Department of Agrarian Reform, ang pamamahagi ng lupa. Unti-unting binakuran nila ang ilang lupang di raw kasama sa pamamahagi. Marahas na itinataboy nila ang nagsasakang mga residente ng Luisita, at pinahuhuli, kinakasuhan at/o hinaharas ang mga lider at miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Asyenda Luisita o Ambala at mga tagasuporta nila.

underreported 2014 (1)8. Patuloy na pamamaslang, pagdukot, pagsampa ng gawa-gawang mga kaso sa mga aktibista. Sa ilalim ng programang kontra-insurhensiya ng administrasyong Aquino na Oplan Bayanihan, nagpatuloy ang polisiya ng pagtarget sa mga sibilyang lumalaban sa gobyerno. Kung isasama pa ang pagpapalawig ni Aquino sa implementasyon ng Oplan Bantay Laya II (mula Hulyo hanggang Disyembre 2010), umabot na sa 169 ang biktima ng pampulitikang pamamaslang mula 2010 hanggang katapusan ng 2013, ayon sa Karapatan. Umabot din sa 19 ang dinukot, o biktima ng enforced disappearance. Umabot sa 86 ang naitalang kaso ng tortyur, 179 ang biktima ng frustrated extra-judicial killing (o tangkang pagpaslang)at 570 ang ilegal na inaresto at kinulong. Sa kabila nito, inamin mismo ng AFP na bigo ang Oplan Bayanihan na makamit ang mga layunin nito. Nasa pangalawang yugto na ang programa, at inaasahan ang mas marahas na implementasyon nito.

underreported 2014 (1)9. Kontraktuwalisasyon sa private at public sectors, kasama na ang nasa media networks. Sang-ayon marahil ang lahat ng mga dalubhasa at grupong maka-manggagawa sa obserbasyong mayorya na ng mga manggagawang Pilipino ay kontraktuwal—walang kaseguruhan sa trabaho, mababa ang sahod, walang benepisyo. Sa economic zones o engklabo, umaabot sa 90 porsiyento ang kontraktuwal, gayundin sa service industry, tulad ng shopping malls. Kahit sa loob ng gobyerno, laganap na ang kontraktuwalisasyon, ayon sa Courage, na inaral ngayong taon ang lalong pagdami ng bilang ng mga kontraktuwal (na may iba-ibang pangalan), kasama ng mga kawani na matagal nang kontraktuwal pero di nireregularisa. Hindi kinokober o ginagawan ng istorya ng malalaking TV networks ang istorya ng malaganap na kontraktuwalisasyon dahil salarin din ang networks na ito. Sumiklab din ngayong taon ang isyu ng kontaktuwalisasyon sa ABS-CBN-2, GMA-7, TV-5 at 9TV. Tanging sa alternative media at social media lang mababalitaan ang paglaban ng mga manggagawa, kabilang ang mga manggagawa ng TV networks na ito, sa praktika sa paggawa na lalong naglulugmok sa mga kanila sa paghihirap.

underreported 2014 (9)10. Bagong pork barrel sa 2015 budget, mga kaso ng korupsiyon ng mga alyado ni Aquino. Tumampok sa midya nitong nakaraang taon ang pagpiit ng administrasyong Aquino sa diumano’y mga salarin sa eskandalong pork barrel ni Janet Lim-Napoles na sina Sens. Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile. Tampok din at pinaypayan ng ilang media outlets ang mga anomalyang diumano’y kinasasangkutan ni Vice Pres. Jejomar Binay. Pero ang walang sapat na coverage: ang bagong mga porma ng pork barrel sa 2015 National Budget na ipinasa ng mga alyado ng administrasyong Aquino at inayunan mismo ng Pangulo. Ayon sa maraming tantiya, aabot sa P500-Bilyon ang lump-sum appropriations sa kasalukuyang badyet. Ginagamit pa diumano ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Conditional Cash Transfer ng Department of Social Welfare and Development para pigilan ang mga mamamayan na pumirma sa people’s initiative kontra sa pork barrel. Sa kabila ito ng pagbabawal ng Korte Suprema sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program. Samantala, patuloy ang pagkakasangkot ng mga alyado ni Aquino sa kung anu-anong anomalya, mula sa maanomalyang mga kontrata sa MRT/LRT, sa kuryente, hanggang sa overpriced na Iloilo Convention Center na kinasangkutan ng pinakamalapit na alyado ni Aquino sa Senado na si Senate President Franklin Drilon.


#PopeFrancisPH | The Pope’s Pilgrims, & Lessons from the Pontiff’s PH visit

$
0
0

Women faithful, who also happen to be members of women's alliance Gabriela, march from Liwasang Bonifacio to Luneta to attend Pope Francis' historic celebration of mass there. Erika Cruz/Tudla
Pilgrims for peace
Church workers line up Kalaw Avenue to show to passers by their calls for Pope Francis. Boy Bagwis
Boy Bagwis
Boy Bagwis
An activist hands out a leaflet on Pope Francis along Taft Avenue. Boy Bagwis
Students smile as they enter the University of Sto. Tomas grounds for an encounter with Pope Francis. Macky Macaspac
Volunteers push on to enter UST grounds. Macky Macaspac
At around 9:30am, Pope Francis arrives in UST. Macky Macaspac
At Pope Francis' encounter with youth. Macky Macaspac
Thousands of students gather inside UST grounds to attend youth encounter with the Pope. Macky Macaspac
Meanwhile, outside, throngs of people await Pope Francis. Macky Macaspac
Pope Francis hugs Glyzelle Palomar, former street kid who asked the Pontiff why God allowed horrible things to be done to children like her, to which Pope Francis said he does not have an answer. Photo from Catholic News Agency
Macky Macaspac
Macky Macaspac
Militant youth leaders Vencer Crisostomo of Anakbayan and Einstein Recedes of Student Christian Movement show the placards that they showed to Pope Francis as the latter's Popemobile passed by them inside UST grounds before the start of the youth encounter with the Pope. The placard, in Italian, said: ":Pope Francis, Fight with us against the fascist, corrupt and anti-people US -Aquino regime!" KR Guda
Macky Macaspac
People crowd the streets of Manila. Darius Galang
Unable to reach Luneta, many watched the mass through large LCD screens in various places in Manila. Darius Galang
Darius Galang
Experts estimate somewhere between 4 and 6 million came to Luneta (or were stuck in nearby streets) for Pope Francis' mass. Photo from Philippine Air Force
On January 19 in the morning, Pope Francis said goodbye to the Philippines. Photo from Malacanang Photo Bureau

PW-POPE-FRANCIS-SA-PINAS-iconExcerpts from the post of youth activist and blogger Anton Dulce, titled 6 Lessons, 12 Quotes from Pope Francis which Filipinos should always keep in mind:

As a friend of mine said a while ago on Facebook, “Since his arrival, how many times has the Pope mentioned poverty, inequality and corruption? How many times has he referred to the poor and the need to be with the poor? And how many will act on these words long after he has left our shores?”.

So, for everyone who was inspired by the Philippine papal visit, and seriously wants to practice/live up to the teachings of Pope Francis, here’s six lessons and 12 quotes which can serve as guides:

1. Corruption is something everyone must fight against

“I hope that this prophetic summons will challenge everyone, at all levels of society, to reject every form of corruption which diverts resources from the poor, and to make concerted efforts to ensure the inclusion of every man and woman and child in the life of the community.” – Pope Francis, Malacañang Speech, Jan. 16 2015

2. Protecting the environment requires more than just putting your garbage in the trash can

“A second key area where you are called to make a contribution is in showing concern for the environment. This is not only because this country, more than many others, is likely to be seriously affected by climate change…  Respect for the environment means more than simply using cleaner products or recycling what we use. These are important aspects, but not enough.” – Pope Francis, Undelivered Speech to the Youth Encounter, Jan. 18 2015

3. Use your talents to serve the people and defend the poor

“Bilang Kristiyanao, miyembro ng pamilya ng Diyos, tinatawag tayo upang hanapin at paglingkuran ag lahat ng mga nangangailangan” – Pope Francis, on Twitter, January 18 2015

“This is the challenge that life offers you: to learn how to love. Not just to accumulate information without knowing what to do with it… What you think, you must feel and put into effect. Your information comes down to your heart and you put it into practice. ” – Pope Francis, Speech to the Youth Encounter, January 18 2015

4. There’s no other way but to change society

“Through sin, man has also destroyed the unity and beauty of our human family, creating social structures which perpetuate poverty, ignorance and corruption.” – Pope Francis, Homily for the Luneta Mass, January 18 2015

“The Church in the Philippines is called to acknowledge and combat the causes of the deeply rooted inequality and injustice which mar the face of Filipino society, plainly
contradicting the teaching of Christ” – Pope Francis, Homily for the Manila Cathedral Mass, January 16 2015

“It bids us break the bonds of injustice and oppression which give rise to glaring, and indeed scandalous, social inequalities.” – Malacanang Speech

5. Collective action is the key

“The Gospel calls individual Christians to live lives of honesty, integrity and concern for the common good. But it also calls Christian communities to create “circles of integrity”, networks of solidarity which can expand to embrace and transform society by their prophetic witness.” – Homily for the Manila Cathedral Mass

6. We can’t act towards change without seeing things from the eyes of the poor

“How many young people among you are like this? You know how to give and yet you have ever learned how to receive. You still lack one thing. Become a beggar. This is what you still lack… To learn how to receive with humility. To learn to be evangelized by the poor, by those we help, the sick, orphans, they have so much to give us… This is what helps you mature in your commitment to give to others. Learn how to open your hand from your very own poverty.” – Speech to the Youth Encounter

“Only by becoming poor ourselves, by stripping away our complacency, will we be able to identify with the least of our brothers and sisters. We will see things in a new light and thus respond with honesty and integrity to the challenge of proclaiming the radicalism of the Gospel in a society which has grown comfortable with social exclusion, polarization and scandalous inequality.”  – Homily for the Manila Cathedral Mass

“The great biblical tradition enjoins on all peoples the duty to hear the voice of the poor.” – Malacanang Speech

PHOTOS | Site of bloody encounter in Mamasapano, Maguindanao

$
0
0

Moro human rights organization Suara Bangsamoro has submitted to Pinoy Weekly some of the photos that they took of the site where the remains of many of the (at least) 44 police commandos were recovered, after the bloody encounter with Moro rebels in Mamasapano, Maguindanao on January 25. Jerome Succor Aba, Suara Bangsamoro spokesperson, said he went near the areas where the bloody encounters purportedly happened. He observed, took notes and pictures of the scene.

Aba said that they interviewed some witnesses who said they saw the body of at least one Caucasian soldier in Brgy. Tukanalipao in Mamasapano town. (Read the story here.)

(LOOK: Photos of Mamasapano residents camped out on the side of the road after fleeing the gun battles.)

Here are their photos:

Badrudin Langalan, a farmer, who was reportedly found hogtied and dead at this wooden bridge of Brgy. Tukanalipao, Mamasapano.

Badrudin Langalan, a farmer, who was reportedly found hogtied and dead at this wooden bridge of Brgy. Tukanalipao, Mamasapano.

This is the same wooden bridge.

This is the same wooden bridge.

Boxes of cartridges seen near the area where bodies of some of the 44 fallen SAF commandos were found.

Boxes of cartridges seen near the area where bodies of some of the 44 fallen SAF commandos were found.

One of many bullet marks on trees in Brgy. Tukanalipao.

One of many bullet marks on trees in Brgy. Tukanalipao.

Empty bullet shells found by residents of Brgy. Tukanalipano.

Empty bullet shells found by residents of Brgy. Tukanalipao.

More bullet marks on trees.

More bullet marks on trees.

An earphone found in a grassy area in Brgy. Tukanalipao. As of this writing, Jerome Succor Aba of Suara Bangsamoro said pieces of materials, probably from either the commandos or the rebels, remain uncollected (by police investigators) in the site.

An earphone found in a grassy area in Brgy. Tukanalipao. As of this writing, Jerome Succor Aba of Suara Bangsamoro said pieces of materials, probably from either the commandos or the rebels, remain uncollected (by police investigators) in the site.

One of the encounter sites.

One of the encounter sites.

Residents pass through the area of the encounters, where pieces of cloth, probably coming from those involved in the encounters, remained.

Residents pass through the area of the encounters, where pieces of cloth, probably coming from those involved in the encounters, remained.

Another piece of cloth on the ground.

Another piece of cloth on the ground.

A piece of cloth, possibly part of a SAF commando's uniform

A piece of cloth, possibly part of a SAF commando’s uniform

 

From Bicutan to Mamasapano

$
0
0
Moro widows of Mamasapano: Among many unseen victims throughout history. <b>KR Guda</b>

Moro widows of Mamasapano: Among many unseen victims throughout history. KR Guda

SAKSI ICONOn March 14, it will be a decade since the Bicutan siege.

It is an incident that has mostly been forgotten today, but it casts a long shadow in our country. That day, six inmates from Camp Bagong Diwa in Taguig City got hold of handguns, shot at their guards and held the Special Intensive Care Area (SICA) hostage for more than a day. These inmates were alleged members of the bandit group Abu Sayyaf. They demanded that their cases be expedited in courts, and that their human rights be respected.

I covered that incident. During the evening of March 14, 2005, I went to the Bicutan jail and interviewed a few government officials who were negotiating with the hostage-takers. Among them were then-Rep. Mujiv Hataman and Sen. Alan Peter Cayetano—curiously, two of today’s cast of characters in the Senate’s Mamasapano hearings.

The next day, March 15, the hostage-takers were ready to give up. I remember opting not to return to Bicutan and instead monitor on television what everybody expected to be a peaceful end to the affair. Alas, that morning, everything suddenly fell apart. At 9:15 a.m., members of the Special Action Force of the Philippine National Police (SAF-PNP), on orders from a crisis committee headed by then-Interior Sec. Angelo Reyes, stormed into the prison compound and (according to many witnesses, all of them detainees who were not part of the hostage-taking) shot at the detainees. The supposed hostage-takers were killed—but so were 19 others. Since only six were hostage-takers, majority of those killed evidently were unarmed inmates. Among the fatalities were detained Abu Sayyaf commanders Kosovo (Alhamser Limbong), Global (Nadjmi Sabdulla) and Robot (Galib Andang); only one of the three were actually involved in the hostage-taking.

At 12 noon each day, Moro detainees at Camp Bagong Diwa pause to pray. Photo by <b>Mario Ignacio</b>

At 12 noon each day, Moro detainees at Camp Bagong Diwa pause to pray. Photo by Mario Ignacio

The alternative media extensively reported on this. I remember being so angry with the mainstream media I lost a few days of sleep. It was mostly cheering on Reyes and company for a job well done as the inmates’ horror stories about the siege slowly reached us. The detainees’ side of the story were told through their families who were able to talk to their loved ones after days, or maybe weeks, of being held incommunicado.

The inmates told a most horrific tale: the SAF members shot at many detainees point-blank. Among those killed was 75-year-old Hadji Ahmad Upao, a bedridden detainee suffering from Alzheimers. The inmates said that Kosovo indeed led the hostage-taking, but Global and Robot were not part of it. Their stories were affirmed by the Commission on Human Rights, under then-Chairperson Purificacion Quisumbing, which came out with a report recommending the filing of charges against Reyes and police officials who sanctioned the assault.

Fast forward to February 2015, almost a month ago, when I went with a fact-finding team to Mamasapano, Maguindanao to cover the aftermath of the January 25 carnage. That town saw some SAF commandos themselves reportedly killed in ways that recall that of the Bicutan siege of 2005. In its aftermath, the public—rightly so—overwhelmingly offered sympathy with the wives and loved ones left behind by the fallen 44 police commandos. The public raged against the President’s continuing lack of remorse, even as facts bear out his direct responsibility in the incident.

The Moro deaths in that cramped prison compound in Bicutan in 2005 may be smaller—exactly half of that of Mamasapano. But the horrific circumstances of those deaths should have been enough to engrage the public in the same intensity as that of Mamasapano. Except, of course, for the fact that the victims were Moros and Muslims. Except that they were—in the government’s and the mainstream media’s view—terrorists.

It’s called Islamophobia, of course, and it goes back a long way in our country. Spanish and then American colonial rulers saw Moros furiously fighting against invasions. Because they resisted, they were called “savages” by these foreign invaders. Exactly 109 years ago this month, about a thousand Moro men, women and children were massacred by American forces in Bud Dajo in Jolo island. Because they were mere “savages”, US President Theodor Roosevelt even commended US Major General Leonard Wood for the massacre, which he called a “brilliant feat of arms.”

I covered a few of these similarly “brilliant feats of arms.” One such feat was the arrest of more than a hundred supposed terrorists in Basilan, Jolo and Tawi-tawi in July 2001. Then-President Gloria Macapagal-Arroyo declared a “state of lawlessness and rebellion” in those provinces during that time, following a series of kidnappings perpetrated by Abu Sayyaf. Many of those arrested without warrant were brought to Camp Bagong Diwa in Bicutan, Taguig. They were ordinary farmers and fisherfolk. In the aftermath of the Bicutan siege in 2005, this is what I wrote back then about them:

“I visited Bagong Diwa in 2002, and talked with some of these detainees and their relatives. They claim to be innocent of the charges. In some cases, authorities (mostly Christian) were so confused with the Muslim names that they arrested individuals whose names merely resembled that of wanted (Abu Sayyaf) members. For example, if the military had a Halim Alih in their list, and they encountered an Alih Halim, the latter (would be arrested).

“The arrests were practically arbitrary. Some had slight resemblance to a wanted terrorist. A 60-year-old father was accompanying his arrested son when he himself was arrested and accused of being a terrorist. One detainee-slash-‘Abu Sayyaf member’ was 76 years old at the time of his arrest. He’s now 80.

“Most of these detainees were arrested without warrant, tortured, detained miles away from home (their families had to shell out a fortune to be able to visit them in jail), their cases prolonged. A great injustice was done to them.”

Later that year, November 2001, another story unfolded in Moroland: that of Nur Misuari, erstwhile Autonomous Region for Muslim Mindanao governor, who renewed his armed struggle against “imperial Manila” after government troops attacked a Moro National Liberation Front (MNLF) camp and killed at least five MNLF fighters. This happened despite the supposed effectivity of the 1996 Final Peace Agreement between MNLF and the Philippine government.

In April 2002, I joined a fact-finding mission to Jolo island to investigate reported human rights abuses by government troops after Misuari’s rebellion. Here is part of what I wrote in the Philippine Collegian about that mission:

“On October 2001, the villagers related, government troops under a certain Major Maningo attacked an MNLF camp, murdering five (5) disarmed MNLF members and wounding three (3). After which, the troops shelled a village mosque, killing an MNLF member who sought sanctuary there. The troops then fired at a pile of Qur’ans (the Muslim holy book).

“According to the villagers’ account, these soldiers proceeded to run over with their chemite tanks the nearby civilian houses. Those houses they did not destroy, they looted. Goats, chickens, cows, expensive Muslim dresses, appliances, even doors and roofs were carted away. The villagers’ claim of the looting is an interesting one. Before our interviews with the residents, someone from Jolo told us that once in a while he would spot a military truck in town filled with tables, appliances, goats, chickens. On our way back to Zamboanga City, I saw a navy boat docked on the pier, stuffed with long tables, appliances, and narra doors…

“We interviewed the wounded, the widows, the terrorized children – they saw what the government troops did. And this was only in one barrio. In Talipao alone, there were 49 more barrios that were reportedly victimized the way Upper Tiis was. There are 18 municipalities in Sulu.

“The reports of aerial strafing targeting civilian areas were confirmed by our experience in these areas. Last April 21, one (fact-finding mission) team conducting interviews and ocular inspections in Indanan was strafed with machine guns by two helicopter gunships. Luckily, some were able to hide in a civilian foxhole while others used a balete (banyan) tree for cover.”

In many ways, the details of 2001’s Jolo incidents parallel to that of last month’s Mamasapano incident. The attack in Talipao, after all, was also ostensibly against Abu Sayyaf members. Government troops also thought nothing of violating, not just a ceasefire agreement, but a final peace agreement—one that was signed by Misuari and Fidel Ramos to much fanfare in 1996. Both led to armed confrontations that led to much death and suffering among civilians.

Members of Special Action Force, during the Manila Peninsulat siege in 2007. <b>KR Guda/PW File Photo</b>

Members of Special Action Force, during the Manila Peninsulat siege in 2007. KR Guda/PW File Photo

The government had also reportedly dangled a “final peace agreement” in 2003, this time to the Moro Islamic Liberation Front (MILF), when it attacked the latter’s 200-hectare Buliok complex in Pikit, North Cotabato. The AFP itself admitted that the attack, and subsequent attacks, led to almost 200 deaths.

(Interestingly, it was then-Lt. Senior Grade Antonio Trillanes IV who exposed an “Operation Greenbase”, which he said was an AFP plan to attack the Buliok complex and conduct series of bombings in Mindanao was later blamed on the MILF. Today, look where Trillanes stands.)

One of the most serious and prolonged armed confrontations in Moro Mindanao in the last decade also occurred in the context of signing another peace agreement. In July 2008, the Arroyo government declared its commitment to sign the Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) with the MILF. But local politicians like then-North Cotabato Vice Gov. Emmanuel Pinol mobilized paramilitary groups to campaign against the agreement. It was declared illegal by the Supreme Court. This led to a series of confrontations between MILF commanders and military and paramilitary groups. By 2009, about 600,000 civilians had been displaced—the second largest civilian displacement due to armed confrontation in the world.

In 2013, more than 100,000 civilians were likewise displaced when government troops, including SAF commandos, engaged MNLF fighters led by Ustadz Habier Malik who sought to hoist their flag in front of the Zamboanga City Hall. The international human rights group Human Rights Watch reported that government forces committed massive abuses, including prison mistreatment, torture and disregard for civilians. Again, the abuses were, for the most part, left unreported.

Burned houses in Brgy. Sta. Barbara, Zamboanga City after the siege in 2013. Photo from <b>Davaotoday.com</b>

Burned houses in Brgy. Sta. Barbara, Zamboanga City after the siege in 2013. Photo from Davaotoday.com

Beyond a few congressional investigations, government officials responsible for the outbreak of bloody wars—like then-Gen. Angelo Reyes in Basilan; 104th Brigade commander then-Col. Romeo Tolentino (who eventually commanded the entire Army before his retirement) in Jolo; then-Defense Secretary Reyes, again, in Pikit; Reyes again in Bicutan; Pinol and AFP officials after the MOA-AD junking and Zamboanga siege; and Presidents Arroyo and Aquino themselves—were never made to answer for their brutal actions.

Today, the Aquino administration seems hell-bent on absolving itself of any culpability in the Mamasapano carnage. And why not? Its predecesssor got away with nine years of warmongering and countless human rights abuses (Arroyo is being held in “detention” for a different crime altogether).

This time, however, 44 young police commandos died. Their tragic stories were quickly laid out in public view by the major media networks and its sympathetic commentators, broadcasters, analysts and field reporters. Again, it was mostly alternative media, a few independent journalists, human rights activists and progressives, who strove to show a broader picture of the tragedy. The Moro deaths were, again, almost an afterthought.

But I am more optimistic today. In 2005, very few reports of what actually happened in Bicutan came out. Today, because of the magnitude of the issue, the culpability of the Aquino regime and even the clear involvement of the US government in the Mamasapano debacle (which mainstream media, to its credit, helped expose), more people outside Mindanao and Moro communities talk about the Moro people and their struggle for self-determination. Social media—that technological creature absent in many of the crises of the past decade—is still rife with Islamophobic comments, but I believe many are coming around. None is more indicative of this than the statements of the PNP Academy Alumni Association, which said that AFP’s current all-out war in Maguindanao is merely a diversionary tactic of the Aquino administration.

I hope that many will begin to realize that not only the 44 police commandos, but also the 18 Moro fighters and at least four civilians, died because of the selfish designs of a President and his foreign patron.

Paano na silang maralitang ina?

$
0
0
Maralitang ina na nag-aalaga ng bagong silang na sanggol. <b>Macky Macaspac</b>

Maralitang ina na nag-aalaga ng bagong silang na sanggol. Macky Macaspac

Sa taong ito, dapat nang makamit ng gobyerno ang target nito sa Millenium Development Goals (MDG) hinggil sa maternal mortality rate (55 kada 100,000 babaeng buntis o nanganganak).

Pero malayo pa ang Pilipinas sa target na ito. Malayo pa ito sa hangaring mapabuti ang akses sa serbisyong medikal ng mayorya ng maralitang kababaihang Pilipino. Mataas pa rin ang maternal mortality rate ng Pilipinas sa 221 kada 100,000. Ayon sa Center for Women’s Resources (CWR), kulang ang serbisyo ng gobyerno para sa kalusugan ng kababaihan.

Lalo pang sumasahol ang lagay nila dahil sa mga patakaran tulad ng pagsasapribado ng pampublikong mga ospital at mga polisiyang tulad ng “no home birthing policy” na pagbabawal ng gobyerno sa panganganak ng mga buntis sa sarili nilang mga tahanan.

Paanakang isasapribado

Fabella Hospital sa Maynila ang isa sa natitirang pampublikong mga ospital na nag-eespesyalisa sa pangangailangang medikal ng nagdadalantaong kababaihan. Pero unti-unti, natutulak itong isapribado.

No choice kami (kundi magpagamot sa Fabella). Wala naman kaming pera na gagastusin sa mamahaling ospital,” ani Agnes Olivar, 41. Nanganak siya sa Fabella Hospital, anim na taon na ang nakakalipas at hindi maganda ang kanyang karanasan noon.

“Maselan ang panganganak ko, kasi 35 na ako noon,” kuwento niya. Matagal na naghihilab at sumasakit ang kanyang tiyan at nangailangan pa siyang salinan ng dugo. Dahil sa maselan, tumagal daw siya sa ospital at lumaki din ang gastusin.

“(Nakita kong) pinapagalitan ng mga dokor at nars ang mga pasyente. Bawal din ang mga bantay sa ward. (Pero) paano naman ’yung mga tulad ko na maselan ang panganganak?” aniya. Halos umabot sa P10,000 ang kanyang gastos sa loob ng dalawang linggong pananatili sa ospital.

Apat silang pasyente sa iisang kama.

Hindi itinatanggi ng ilang nars na nakapanayam ng Pinoy Weekly na may katotohanan ang kuwento ng mga inang nanganak sa Fabella. Dahil daw ito sa kakulangan ng badyet ng naturang ospital, kasama na ang pagdagsa ng mga buntis lalo na sa panahon ng “-ber months” (Setyembre hanggang Disyembre).

“Sa average, umaabot ng 120 ang nanganganak kada araw, kapag peak season (-ber months),” sabi ng isang nurse supervisor, na ayaw pabanggit ang pangalan.

Ayon sa mga nars, halos isang milyon ang naserbisyuhan ng ospital kasama na ang Pediatric Ward nito noong 2014. Ito’y kahit na may 700 bed capacity lang ang ospital. “Di naman namin tinatanggihan ang mga pasyenteng pumupunta rito,” sabi ng nurse supervisor. Ang problema raw, kulang ang pasilidad ng ospital.

“Sa ward, talagang siksikan. Dalawang kama ang pinagdidikit namin (bed tandem) para magkasya ang apat na pasyente, kasama na ang mga baby,” aniya. Dahil sa katangian ng Fabella bilang prime maternity hospital ng bansa, dumadagsa rito ang kababaihan lalo na ang mahihirap.

PW march 8 memeMaliit sa manggagawa

Sa kabila nito, napakaliit ang badyet na inilalaan ng gobyerno para sa nasabing ospital. Ang aprubadong badyet para sa taong ito ay P475,614,000 (kasama na dito ang personnel services – P389,178,000 at maintenance and other operating expenditures – P86,436,000).

Kaya’t sa pag-aaral ng CWR, pasyente pa rin ang bumabalikat sa 63 porsiyentong gastusin sa pagpapaospital. Ang isang pasyenteng manganganak sa Fabella ay pinagbabayad ng P2,000, kung normal delivery at P6,700 kung ceasarian ang panganganak.

Charity ward na ’yan. Pero kung walang-wala ang pasyente, nire-refer namin sa social worker. Indigent na ’yun,” sabi ng taga-Fabella. Dagdag pa nila, mayroon na rin daw na 15-bed capacity na pampribado sa ospital na P600 kada araw ang bayad.

Ang sabi ng gobyerno, para maisaayos at mapabuti ang serbisyo nito’y kailangan ang modernisasyon ng ospital. Ayon sa Department of Health (DOH), may modernization program ang Fabella kasama ang iba pang pampublikong ospital. Planong ilipat ito sa DOH Compound, katabi ng San Lazaro at Jose Reyes Memorial Hospital, sa badyet na P2-B. Pero sa ilalim ito ng iskemang Public-Private Partnership ni Pangulong Aquino.

“Saan pupunta ang mahihirap na manganganak, kung maisasapribado ito?” tanong ng isang nars ng

Fabella. Inaamin ng taga-Fabella na hati ang opinyon ng mga personnel at medical staff ng ospital sa planong pagsasapribado. “’Yung iba gusto, lalo na ’yung mga doktor. Kasi may pakinabang siguro sila. Pero hindi ako pabor,” aniya.

Isa sa kinatatakutan ng mga empleyado sa Fabella na baka di na raw sila kuning empleyado sa oras na maisasapribado ang ospital. Bukod pa ito sa mga pasyenteng walang ibang mapuntahan kung mahal na ang bayad sa nasabing ospital.

Panganganak sa bahay, bawal

Bukod sa planong pagsasapribado sa pampublikong mga ospital, isa sa tinutulan ng kababaihan ang “No Home Birthing Policy” na nagbabawal sa pagpapaanak sa loob ng mga bahay.

Kahit ang mga nars ng Fabella, tutol sa polisiyang ito. “Kaya dumami ang mga lying-in clinic. Tapos, kapag hindi nila kaya nire-refer sa amin,” sabi ng head nurse ng Fabella.

Tutol din sa naturang polisiya ang isang midwife na nakausap ng Pinoy Weekly. Aniya, di dapat ipatupad ang “no home birthing policy.” Mawawalan umano ng hanapbuhay ang mga katulad niya, at mas lalong walang matatakbuhan ang mahihirap na kababaihan.

“Marami sa mga pamilya ngayon ang walang hanapbuhay…Tapos tatakbo sila sa ospital, akala nila makakalibre sila. Eh, lahat ng ospital, ginagawang private o semi-private na (naniningil). Lalong lumalaki ang gastos nila. Kaya marami sa kababaihan ang mas pinipili ang home birthing,” ani Beth, komadrona na nakapagpanganak na ng 12 kababaihan sa isang maralitang komunidad sa Quezon City.

Sabi pa niya, mas naasikaso raw ng mga pamilya at komadrona ang mga pasyente kumpara sa ospital na siksikan.

“Tulad niyan, kung sa ospital, kapag nanganak, dapat ang pasyente ang nilalapitan ng doktor. Pero kadalasan, pinatatayo nila ang bagong panganak at palalapitin sa doktor para ma-check-up,” aniya. Aniya, dahil sa dami ng pasyenteng inaasikaso ng mga doktor, di naiiwasan ang iringan o pagsusungit sa pila.

Di rin naman daw malaki ang kinikita ng mga katulad niyang midwife sa mga maralitang komunidad.

“Minsan nga nag-aabono pa ako. Ngayon nga, may dinalaw akong pinaanak ko para sana singilin. Inabutan kong may sakit ang bata, wala silang pera. Ako pa ang nagbigay ng pambili ng gamot,” sabi ng nars.

Kaya naman, panawagan ng kababaihan, kasama ang mga nars at midwife, na ayusin ang serbisyo ng gobyerno para sa kababaihang buntis at huwag isapribado ang mga ospital nito.

Sabi nga ni Helen na isa sa pinaanak ni Beth sa bahay: “Tao kami na kailangan ang maayos at murang serbisyo.”

Pandarahas sa kababaihan, pagsingil sa pamahalaan

$
0
0
Isa sa pangunahing layunin ng One Billion Rising ang pagpapatampok sa seksuwal na pandarahas sa kababaihan at mga bata. Sa konteksto ng Pilipinas, tumatampok ang pandarahas sa kababaihan at bata ng mga tinaguriang "persons of authority" o mga personalidad na may kapangyarihan o awtoridad sa lipunan tulad ng mga pulis, militar, opisyal ng pamahalaan, pulitiko atbp. <b>Macky Macaspac</b>

Isa sa pangunahing layunin ng One Billion Rising ang pagpapatampok sa seksuwal na pandarahas sa kababaihan at mga bata. Sa konteksto ng Pilipinas, tumatampok ang pandarahas sa kababaihan at bata ng mga tinaguriang “persons of authority” o mga personalidad na may kapangyarihan o awtoridad sa lipunan tulad ng mga pulis, militar, opisyal ng pamahalaan, pulitiko atbp. Macky Macaspac

Kasabay ng matiniding krisis sa lipunang mababa ang pagtingin sa kanila, higit na nagiging bulnerable sa pandarahas at pagsasamantala ang kababaihang Pilipino.

Ngayon, higit sa nakaraang mga panahon, naaalarma ang grupong pangkababaihan na Gabriela sa lalong pagdami ng kaso ng seksuwal at pisikal na pang-aabuso sa kababaihan. Sa penomenong ito, nababahala rin ang Gabriela sa pagdami ng mga kasong kinasasangkutan ng mga elemento ng militar at mga nasa kapangyarihan.

Para sa Gabriela, isa sa pinakamasahol na pandarahas sa kababaihan iyung may salaring “persons of authority” o mga ahente ng Estado tulad ng mga pulis, militar, at mga opisyal ng pamahalaan.

Inabuso ng militar

Disyembre 2014 nang idulog ni Jessa (di-tunay na ngalan) ang reklamong panggagahasa laban kay Private First Class Benjamin Blancada at sa dalawa pa niyang kasamahan. Nangyari ang panghahalay noong Nobyembre 17 sa tahanan ng biktima sa Kitaotao, Bukidnon. Mula sa 84th Infantry Batallion ng Philippine Army si Blancada.

Ayon sa 16-anyos na biktima, sapilitan siyang pinasok ni Blancada sa loob ng kuwarto habang nagpapasuso siya ng kanyang sanggol. Tinakpan ng suspek ng unan ang mukha ni Jessa saka ginahasa. Dagdag pa niya, dalawang sundalo pa ang kasama ni Blancada sa labas ng bahay na nagsilbing look-out. Pagkatapos ng insidente, narinig niya pa ang tatlo na nagtatawanan.

“Ang alam ko, hindi lang ako ang nag-iisang biktima ni Blancada,” sabi ni Jessa. Pero ang balita niya, “binayaran na lang” at tinakot ang iba upang hindi na magsalita. Nananawagan siya ngayon sa iba pang biktima na lumantad upang mabigyang hustisya ang mga krimen.

Higit umano siyang determinado na mapanagot ang mga maysala para magsilbing babala sa mga miyembro ng militar, pulis o nasa kapangyarihan na patuloy sa paglabag sa karapatan ng kababaihan.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), umakyat na ng 35 porsiyento ang naiulat na kaso ng panggagahasa sa unang 10 buwan pa lamang ng 2014. Sa taong ito, may 7,306 nang kaso ng pangggahasa. Ikumapara ito sa taong 2013 na may naitalang 4,737 kaso.

Ayon kay Obeth Montes, counselor ng Gabriela, marami sa kasong naiulat sa kanila ang sangkot ang mga alagad ng batas, mayayaman, maiimpluwensiya at nasa kapangyarihan. Mula 2010 hanggang sa unang bahagi ng 2014, nakapagtala sila ng 42 kaso na sangkot ang mga miyembro ng PNP; 20 ang sangkot ang Armed Forces of the Philippines (AFP); 14 ang sangkot ang mga opisyal ng local government units; 13 ang pulitiko; siyam ang tropa ng sundalong Amerikano at dalawa ang kasong sangkot ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) – ang mismong personal na mga badigard ng Pangulo.

Isa pang kaso ng panggagahasa ang idinulog sa Gabriela noong Mayo 2013 mula sa Palauan, Occidental Mindoro. Sa isang press conference, umarap sa midya si Sienna, 17-anyos. Ayon kay Susan, ina ng biktima, dumalo sila sa isang kasiyahan sa kanilang lugar noong Mayo 9, 2013. Nalingat lamang siya’y nawala na si Sienna. Matapos ang dalawang oras na paghahanap, nagpasya siyang umuwi. Inabutan niya sa bahay ang anak na umiiyak, kasama ang tatlong sundalo.

“Pagsindi ko ng gasera, nandoon ang tatlong sundalo at ang anak kong umiiyak. Isa sa mga sundalo ang kumaripas ng takbo. ’Yung dalawa, nangatwiran na tinatanong lang daw nila ang anak ko kung sino ang mga kasama niyang kabataan. Namukhaan ko sila. Alam ko na mga sundalo sila dahil may mga baril at nakauniporme sila. Sila rin ang nakadestino sa lugar namin,” kuwento ni Susan.

Ayon sa Gabriela, hindi na nakapagsampa ng reklamo ang biktima dahil ilang araw matapos ang insidente, nawala sa pag-iisip ang biktima. Kinailangan siyang dalhin sa ospital para ipagamot. Bago mawala sa sarili, napagalaman ni Susan na hindi iyon ang unang pagkakataon na pinagsamantalahan ang anak. Unang beses na hinalay si Sienna noong Disyembre 2012.

“Kung mismong ang mga miyembro ng institusyon ng gobyerno na nakatalagang magbantay sa kapakanan ng mga mamamayan ang gumawa ng mga kahalayan sa mga batang ito, paano natin maaasahan ang Estado na magsawata sa ganitong karahasan, lalo na ang pagbigay ng hustisya sa mga biktima?” tanong ni Montes.

PW march 8 memePaghawi ng tanikala

Dagdag pa ni Montes, dapat kondenahin ang pagtaas ng bilang ng karahasan laban sa kababaihan na nagmimistula na lamang umanong normal na bagay sa lipunan natin.

Ang mas malala pa, state-perpetrated (o mga ahente ng Estado ang salarin) na ang ganitong mga uri ng karahasan. Nangangailangan umano na mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga alagad ng batas at may mga posisyon sa gobyerno na maharap sa kasong panggagahasa.

Kinikilala sa buong mundo ang pagtindi ng karahasan sa kababaihan, lalo na sa mga bansang tumitindi rin ang krisis sa ekonomiya.

“Nagpapatuloy ang karahasan sa kababaihan sa bawat kontinente, bansa at kultura. Labis itong nakakaapekto sa buhay ng kababaihan, sa kanilang pamilya at maging sa lipunan sa kabuuan. Ipinagbabawal ito ng maraming pamahalaan—ngunit ang katotohanan, madalas pinagtatakpan ito o pinapalampas,” sabi ni Ban Ki-moon, pangkalahatang kalihim ng United Nations (UN), sa isang panayam.

UN ang naglabas ng datos na isa sa bawat apat na babae ang nadahas o madadahas—nagagahasa o nasasaktan—nang di-bababa sa isang beses sa kanyang buhay. Kung kaya tatlong taon nang pinangungunahan ng V-Day Movement ng Amerikanong manunulat at aktibista na si Eve Ensler ang One Billion Rising (OBR), isang pandaigdigang kampanya laban sa violence against women (VAW) sa pamamagitan ng pagsayaw at pagtatanghal.

Sa Pilipinas, tatlong taon na ring pinangungunahan ng Gabriela, kasama ang Gabriela Women’s Party at New Voice Company ng tanyag na theater artist na si Monique Wilson, ang OBR. Noong Pebrero 14, isang malakihan at pambansang “rising” ang isinagawa sa Maynila at iba pang lugar sa bansa. Pero Gabriela ang unang aamin na maliit na bahagi lang ito ng pakikibaka laban sa seksuwal na pang-aabuso at penomenon ng VAW.

Para sa Gabriela, nagsisimula ang pagkamit ng hustisya tuwing namumulat, naoorganisa at napapakilos ang kababaihan batay sa kanilang demokratikong karapatan. Sa pag-uugnay nila ng pandaharas sa kanila sa pang-ekonomiyang pagsasamantala tunay na makakamit ang hinahangad na paglaya ng kababaihan.

Viewing all 28 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>